-KINALABASAN NG MGA HAKBANG NG SUMMIT SA PANDAIGDIGANG KLIMA, TINALAKAY NG KAPULUNGAN
Nagmeeting ang Committee on Climate Change sa Kamara, na pinamunuan ni Bohol Rep. Edgar Chatto kahapon, upang talakayin ang resulta ng 26th Session of the Conference of Parties (COP26) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na isinagawa sa Glasgow, Scotland, United Kingdom.
Ang COP26, na idinaos mula ika-30 ng Oktubre hanggang ika-13 ng Nobyembre 2021, ay isang summit sa mga hakbangin sa pandaigdigang pagbabago ng panahon.
Ayon kay Chatto, ang mga delegado ng Pilipinas sa COP26 ay pinamunuan ng Department of Finance (DOF), kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Energy (DOE), at Department of Environment and Natural Resources (DENR), na nagpahayag sa Komite sa kinahinatnan ng COP26.
Sinabi ni Chatto na sa idinaos na kumperensya, dalawang Pilipino ang pinapurihan dahil sa ginampanan nilang mahalagang bahagi sa summit ng klima.
Sina Atty Vicente Paolo Yu III at Depatment of Energy Undersecretary Felix pinapurihan sa William Fuentebella ang dalawang nabanggit na Pilipinong pinapurihan sa COP26.
“One was lawyer Vicente Paolo Yu III, the lead negotiator for the G77 and China group. The other was former member of the House and current undersecretary of the DOE, Usec. Felix William, Fuentebella who is here with us today,” ani Chatto.
Sinasabing silang dalawa ay tumulong upang hubugin ang plataporma na tinawag na SantiagoNetwork, na naglalayong tumulong na tugunan ang mga nawala at napinsala, na naranasan ng mga umuunlad na bansa dahil sa mga bagyo, pagtaas ng lebel ng karagatan at iba pang mga panganib dulot ng klima.
Ang unang nagprisinta sa kinalabasan ng talakayan sa COP26 ay si DOF Undersecretary Mark Dennis Joven, na sinundan ni Fuentebella, at nina DFA Assistant Secretary Roberto Manalo at DENR Chief Albert Magalang ng Climate Change Information and Technical Support Division.
Tinalakay ng mga tagapagsalita ang paninindigan ng Pilipinas sa pinansya sa klima; paghahalaw, pagkawala at pinsala; Artikulo 6 ng Paris Agreement; Glasgow Work Programme on Action for Climate Empowerment; pangunahing resulta ng COP26 na nakalinya at naaayon sa paninindigan ng Pilipinas; 1.5 Centigrade Paris Goal; at ang pagsusuri sa mga resulta ng COP26, at iba pa. Samantala, pinagtibay ng Komite ang pinag-isang House Resolution 2355 na inihain ni Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez at HR 2365 ni AN-WARAY Rep. Florencio Noel.
Pinupuri at binabati ng dalawang resolusyon si Brikko Iyanev Martillo Dumas sa kanyang pagwawagi sa DIGITALART4CLIMATE Art Contest for Climate Change sa 26th Session of the COP26 to the UNFCCC.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home