-E-SABONG, LULUNURIN SA UTANG ANG MGA OFW AT KANILANG PAMILYA — FORMER SPEAKER CAYETANO
Nagbabala si dating House Speaker Alan Peter Cayetano noong Huwebes na malulunod sa utang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya dala ng e-sabong.
Ito ay sa gitna ng diberasyon ng Senate Committee on Public Service tungkol sa application para sa 25-taong prangkisa ng e-sabong operator na Lucky 8 Star Quest Inc. nito lamang ika-9 ng Disyembre, mahigit-kumulang tatlong buwan pagkatapos aprubahan ng Kamara ang nasabing panukala.
Sinabi ni Cayetano na nababahala siya sa kapakanan ng mga OFW ngayong mayroon nang e-sabong na magkakaroon ng mga bankrapsiya sa ating mga OFW at sa kanilang mga pamilya.
Ayon sa kanya, madaling maging adik sa e-sabong dahil ito ay on-line at kahit saang lugar ay magagawa ito ng kahit sino.
Samantala, sinabi naman ni Senate Public Services Committee Chair Senator Grace Poe na mas nanaiisin niyang sumailalim ang panukalang e-sabong franchise sa isang technical working group (TWG) para makita kung ano nga ba ang mga problemang idudulot nito sa pamayanan.
“I’m very concerned about the
well-being of OFWs now that e-sabong is here. As long as there is e-sabong, there will be waves of bankruptcies among our OFWs and their families,” sabi ng dating Speaker.
“It’s so easy to get addicted to it because it’s online. Anyone can do it anywhere,” dagdag pa niya.
Sinang-ayunan naman ng dating Speaker ito dahil ayon sa kanya, dapat makita muna kung ano ang katumbas na epekto ng e-sabong sa pamilyang Pilipino.
Dagdag pa niya na milyon-milyong pamilya ng OFW na dati rati’y financially stable ay naapektuhan ang kita dahil sa pandemya.
“One of the reasons why I’m adamant against e-sabong is that many families are going through tough times right now, many people have lost jobs or are waiting for their contracts to be renewed, and do we just let this kind of gambling become more entrenched by giving franchises to operators?” aniya.
Binanggit din ni Cayetano ang ilang mga balita na may mga batang nalulong sa e-sabong na nagresulta ng pagkalunod nila sa utang o kaya nama’y sa suicide.
Madali aniya itong mangyari sa mga OFW na na-retrench o sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa bahay lamang dahil sa mga paghihigpit sa pandemya.
Matagal nang tutol ang dating Speaker sa pag-apruba ng mga prankisa para sa mga e-sabong operators sa Kamara pa lamang.
Sa isang press conference noong ika-2 ng Disyembre, kinwestyon ni Cayetano ang pag-apruba ng 25-taong prangkisa sa e-sabong nang wala man lang pag-aaral kung paano ito makakaapekto sa lipunan.
“Bakit mo bibigyan ngayon ng full access o full authorization ng 25 years ang e-sabong na hindi mo pa nakikita kung eto talaga ay nakakabuti o nakakasama or neutral sa ating society. Kung ako tatanungin mo, gusto ko i-revoke din ng PAGCOR yung license,” aniya.
Sa kasalukuyan, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang humahawak sa mga e-sabong operators sa Pilipinas, at nakapag-bigay na ito ng lisensya sa mahigit-kumulang pitong outlets. ####
<< Home