-PANUKALANG BATAS NA MAGTUTURO NG USAPIN SA PANANALAPI SA KANAYUNAN, APRUBADO NA
Aprubado na kahapon ng Committee on Rural Development sa Kamara, ang substitute bill ng panukalang nagsusulong ng usaping pinansiyal sa kanayunan na iniakda ni Ang Probinsiyano Partylist Rep. Alfred De los Reyes, na nagsusulong ng pagtuturo ng usaping pinansiyal sa kanayunan.
Sa kanyang pambungad na pahayag, sinabi ni Masbate Rep. Elisa Kho, chairperson ng Komite, na ang pagpapahusay ng mga kakayahan ng mga institusyong pampinansyal sa kanayunan ay mahalaga dahil mananatili silang nangunguna sa pagpapalawak ng mga serbisyong pampinansyal sa mga lokal na pamayanan sa pamamagitan ng mga mas ligtas na paraan.
Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng patuloy na edukasyon sa pananalapi, pati na rin ang pagpapalawig ng mga media resources na patatatagin ng pakikipag-ugnayan sa pribado at pampublikong sektor.
Sa kanyang pagbabahagi ng ulat ng technical working group (TWG) ng Komite sa nasabing panukalang batas, binanggit ni De los Reyes ang mga rekomendasyon at dagdag impormasyong isinumite ng iba`t ibang ahensya ng pamahalaan at mga dalubhasa.
Sinabi din niya na ipinaalamsa Komite ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Agrarian Reform (DAR), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilangmga kasalukuyang proyekto na may kaugnayan sa digital financial inclusion at literacy.
Ayon kay De los Reyes, iminungkahi ng DAR ang pagsama sa mga matatatag nang kooperatibakabilang ang mga kooperatibang natulungan na ng DAR sa mga institusyon na pinapayag ang magbigay ng mga serbisyong pampinansyal sa mga kanayunan.
Sa kabilang banda, inirekomenda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang matatag at pro-active sectoral financial at digital literacy program upang isulong ang pakikipag-ugnayan sa mga serbisyongpampinansyal at mga institusyon sa mga kanayunan.
Ang mga dapat na isama sa nasabing programa ay ang pagsasagawa ng mga seminar at pagbuong mga modyul.
Dapat din itong magtaglay ng pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ngunitmagbibigay pahintulot din sa mga teknikal na aplikasyon upang maipagkaloob sa publiko ang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mahusay at maalam na pagpapasyang pang-ekonomiya at pampinansyal.
Kabilang din dapat sa mga prayoridad na sektor, ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda, at mga micro small and medium enterprises (MSMEs).
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home