Monday, August 09, 2021

-SUPORTA PARA SA MGA SMEs, IPINANAWAGAN NI REP. LUCY TORRES-GOMEZ

Nananawagan si Rep. Lucy Torres-Gomez kahapon ng suporta sa pamahalaan para sa small and medium enterprises (SMEs) upang malampasan ang hagupit sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic, na dahilan sa mahina o limitadong paggastos ng publiko. 


Ayon kay Torres-Gomez ang suporta ay maaaring magmula sa low-interest loans o utang na may mababang tubo, na magagamit ng mga may-ari ng maliliit na negosyo bilang kapital para mapalago ang kanilang puhunan. 


("Ngayong nananatiling mahina ang ating ekonomiya dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, dapat humanap ng paraan ang gobyerno upang mapalakas ang small and medium enterprises.)


Idinagdag pa ng mambabatas na ang ehekutibo, sa tulong ng mga mambabatas, ay maaaring magkaloob ng pautang sa mga SMEs upang makaagapay sila sa hirap ng buhay at maaari itong isama sa 2022 national budget, na tinatapos pa ng mga budget managers.





Igniit ng mambabatas ang "ulitmate goal” ay upang maihanda ang ating mamamayan sa paggiya sa kanila sa mga oportunidad na kanilang magagamit habang limitado ang full-time at part-time jobs.


Kailangan ng mga tao ng matatag na hanapbuhay, ngunit kung wala, dapat magbigay ang gobyerno ng pansamantalang mapagkakakitaan.


Nalulungkot si Torres-Gomez na kahit mahalaga ang maliliit na negosyo sa ekonomiya ng bansa, maraming SMEs ang hirap makahanap ng capital funding o mauutangan. 


"Yung mga small at medium businenesses ay walang access sa resources gaya ng mga established businesses. Ang SME loan ay credit facility na makatutulong upang lumago ang SME sa pamamagitan ng tamang pagpopondo. Maaaring magamit ang SME loan ng small business owners upang mapunan ang kanilang imbentaryo kahit wala pang pera" paliwag ng representante sa fourth district ng Leyte. 


Idinagdag niya na mas praktikal ang small business loans dahil kadalasang kaunti lang ang documentation requirements nito, collateral-free, mababa ang interest rates, mas affordable; at may flexible repayment scheme. 


"Hindi dapat balewalain ng mga pinuno ng ating pamahalaan ang mga bagitong negosyante. Dapat laging may solusyon sa pangangailangan ng bawat isa. Gaya ng mga low-income families na humihingi ng ayuda sa gobyerno upang malampasan ang matinding epekto ng national health emergency na ito, ang mga namumuhunan sa small and medium business ay nangangailangan din ng suporta mula sa kanilang mga pinuno upang makayanan ang hagupit sa ekonomiya ng COVID-19,” sabi pa ni Torres-Gomez. 


(End)

Free Counters
Free Counters