Thursday, August 05, 2021

-KAMARA, NAGKALOOB NG TULONG SA PGH NA NASALANTA SA SUNOG

Ibinigay ni Speaker Lord Allan Velasco kahapon ang isang tseke na nagkakahalaga ng P5.2-milyon kay Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi, bilang donasyon para sa rehabilitasyon ng Operating Room Sterilization Area ng ospital, na naabo sa sunog noong ika-16 ng Mayo 2021.


Ang donasyon ay nalikom sa pamamagitan ng isang fund drive na pinasimulan ni Velasco sa kapwa niyang mga mambabatas ng Kamara de Representantes. 


Kasama sina Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, Deputy Speaker at Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan, Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera, Palawan 1st District Rep. Franz Alvarez, at Secretary General Mark Llandro Mendoza sa paggawad ng donasyon sa PGH sa tanggapan ni Velasco sa Batasan Complex.

Free Counters
Free Counters