-PAUNANG AD HOC COMMITTEE MEETING PARA SA MUP PENSION SYSTEM, IDINAOS; PANUKALANG “SAVING MUP PENSION” TINALAKAY
Sa idinaos na pagpupulong para sa pag-oorganisa kahapon, pinagtibay ng Ad Hoc Committee on Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System, na pinamunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang Rules of Procedure.
Matapos nito ay nagdaos ng isang briefing ang Komite hinggil sa House Bill 9271, na iniakda ni Salceda mismo na naglalayong buuin ang isang nagsusustining taunang balangkas para sa separation, pagreretiro, at mga benepisyo sa pensyon ng mga military and uniformed personnel (MUP).
Tinakalay ni Salceda ang teknikal, ekonomiya, at pagsusuri sa pondo ng panukala sa iprinisintang Implications of the MUP Pension Fiscal Reform.
Sumang-ayon ang Komite na aprubahan ang pangunang inilatag na substitute bill, na naglalaman ng mga usapin na pinagkasunduan, na may pagsang-ayon din nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Finance Assistant Secretary Maria Teresa Habitan at National Treasurer Rosalia de Leon.
Ang panukala ay naglalaman ng mga probisyon sa taunang pamamahala ng pensyon at mga sistema sa benepisyo ng MUP; sapilitan at boluntaryong pagreretiro ng mga MUP; mga benepisyo ng survivorship, benepisyo sa mga biktima ng pakikipaglaban, kabilang na ang pamamahala ng MUP Trust Fund.
<< Home