Thursday, May 20, 2021

-PAGBABAWAL AT PAGDEDEKLARA SA KASAL NG MGA BATA BILANG ILIGAL, APRUBADO NA

Inaprubahan kahapon sa isang online hearing ng Commuttee on Women and Gender Equality sa Kamara ang panukala na naglalayong ideklara ang kasal sa mga bata bilang iligal.


Nagpasya ang komite na pinamunuan ni Bukidnon Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba na ipasa ang panukala upang maprotektahan ang mga bata sa pamamagitan ng pagbabawal at pagdedeklara sa kasal sa mga ito bilang iligal at patawan ng parusa ang mga lalabag dito.


Sa kanyang pambungad na pananalita, tinukoy ni Acosta-Alba ang mga datos mula sa United Nations Children’s Fund, na nagpapakita na ang Pilipinas ay nasa ika-12 pinakamataas na bilang ng batang babae na ikinakasal sa buong mundo sa bilang na 726,000.


Sinabi niya na tinatayang 15 porsyento ng mga Pilipinong batang babae ay ikinasal bago humantong sa edad na 18 taong gulang, samantalang 2 porsyento naman ang ikinasal bago sumapit ang edad na 15 taong gulang.







Bilang kasapi ng mga bansa sa ASEAN, sinabi niya na naghahangad tayo na wakasan ang maagang pagpapakasal sa mga bata at sapilitang pagpapakasal sa taong 2030, alinsunod sa target na 5.3 ng Sustainable Development Goals (SDGs).


Aming pinagtibay ang Convention on the Rights of the Child noong 1990, na nagtatakda sa edad na 18 para sa pagpapakasal,” ani Acosta-Alba. Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Herrera-Dy na pinagkaitan ng maagang pagpapakasal ng mga bata ang kanilang pagiging bata, nakasira sa pag-aaral at nalimitahan ang mga oportunidad. Samantala, sinabi ni Tambunting na nakaapekto ng labis sa pisikal at sikolohikal na pag-uugali ng mga bata ang maagang pagpapakasal. Ilan sa mga inanyayahang tagapagsalita na nagpahayag ng kanilang suporta sa panukala ay sina Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) Executive Director Rom Dongeto; Child Rights Network Coordinator Mary Antonette Flores; Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) Chairperson Elizabeth Angsioco; at Maguindanao Alliance of Youth Advocates (MAYA) Against Child Marriage Farhana Tala Ganoy.        


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters