Monday, May 31, 2021

-MAGPAPALAWIG SA BISA NG PONDO NG ‘BAYANIHAN 2’ HANGGANG IKA-31 NG DISYEMBRE 2021, APRUBADO

Inaprubahan na ng Committee on Appropriations ang panukala na magpapalawig hanggang sa ika-31 ng Disyembre 2021, sa pagpapalabas, obligasyon, at pamamahagi mula sa inilaang pondo ayon sa nakasaad sa Republic Act 11494, o ang “Bayanihan to Recover as One Act,” o mas kilala bilang “Bayanihan 2.”

Sa hearing na pinangunahan ni Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, Vice Chair ng Komite, inaprubahan ang substitute bill na mag-aamyenda sa RA 11519 o “An Act Extending the Availability of Appropriations under RA 11494 or Bayanihan 2.”


Pinalawig ng RA 11519 ang pagiging epektibo ng RA 11494 hanggang ika-30 ng Hunyo 2021.


Iminumungkahi ng substitute bill na mas lalo pang palawigin ito, mula ika-1 ng Hulyo 2021 hanggang ika-31 ng Disyembre 2021.


Sa kanyang sponsorship speech para sa panukala, sinabi ng mambabatas na ang Bayanihan 2 ay epektibo lamang hanggang ika-19 ng Disyembre 2020, subalit dahil sa pagsasabatas ng RA 11519 ay pinalawig ang pagkaepektibo ng batas hanggang ika-30 ng Hunyo 2021.

Free Counters
Free Counters