Friday, May 21, 2021

-WALANG RED-TAGGING SA MGA COMMUNITY PANTRY — GEN PARLADE SA PAGDINIG NG KAMARA

Sa pagdinig ng House Committee on Human Rights noong a19 ng Mayo, itinananggi ni Lt. Gen. Antonio Parlade na sila sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang nagpasimuno at na hindi sila nagrered-tag sa mga organizer o volunteers ng mga community pantries


Sinabi ni Gen. Parlade na hindi sila nagre-red-tag kundi nagbigay-babala at pinag-iingat lamang nila ang publiko laban sa ilang community pantry.


Pinuna rin ni Parlade ang ulat ng ilang media outlets na nag-sensationalize o nagpalaki sa isyu at nagbalita na kanya raw inamin ang profiling sa community pantry organizers.


Ani Parlade, noong Abril ay maraming netizens ang nagtanong sa kanila kung bakit may propaganda materials ang ilang community pantry at mayroon din aniyang humiling sa NTF-ELCAC na tingnan ang mga naturang pantry.


Ayon kay Parlade, sa lugar kasi kung saan matatagpuan ang Maginhawa Community Pantry ni Ana Patricia Non ay maraming non-government organizations o NGOs na may fund raising activities.






Sa panig naman ni Presidential Human Rights Committee Secretariat Usec. Severo Catura, kanyang pinalagan ang media reports na natatutok lamang daw kung papaano ipinapakita ng mga community pantry ang “incompetence” o kabiguan ng gobyerno sa pagtugon sa kahirapan at kakulungan ng tulong sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Ani Catura, nagagamit tuloy ang bayanihan sa politika. Kinuwestyon din nito ang isang litrato ni Non kung saan nakataas ang kanyang kamao.


Samantala, pinagsabihan ni Rep. Lawrene Fortun ang NTF-ELCAC na mag-ingat sa messaging o paglalabas nito ng mga pahayag, na maaaring magresulta sa pagsasara ng ibang mga community pantry na ang karamihan naman ay may magandang intensyon.

Free Counters
Free Counters