Repeal sa continuing professional development law, balak ihain sa Kamara
Balak na maghain si House Deputy Speaker at Davao City 1st District Rep Paolo Duterte ng panukalang batas na may layuning amiyendahan at tuluyang i-repeal ang RA 10912 o ang Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016.
Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na bagamat sinusuportahan niya ang habang-buhay na learning process ng mga propisyunal, ang pag-require sa kanila batay sa itinakda ng CPD law ay nakakadagdag lamang sa mga pasanin at problema na kanilang kinakaharap.
Ang nabanggit na batas ay isang mandatory requirement bago ang isang propisyunal ay makapag-renew ng kanyang professional identification card.
Ayon kay Duterte, matapos ang isang mahabang araw upang kumita ang isang professional, ito ay magli-leave sa trabaho para dumaan sa isang hindi makatarungang pasakit para lamang mai-renew nito ang kanyang lisensiya upang makapagpatuloy na mag-practice ng kanyang prupisyon.
Idinagdag pa ng mambabatas na puwede namang tulungan ng gobyerno ang mga professional na makasabay sa global o international professional standards sa pamamagitan ng iba pang mga pamamaraan.
Matatandaang ang natural batas ay inakda ni dating Senador Antonio Trillanes IV noong 2016.
<< Home