Wednesday, April 22, 2020

Resumption sa May 4 ng sesyon ng Kongreso, tuloy pa rin kahit i-extend ang ECQ ng Pangulo

Ipinahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ituloy pa rin ng Kongreso ng Pilipinas ang pag-resume ng mga sesyon nito sa a4 ng Mayo kahit mag-desisyon pa ang Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na magtatapos sa a30 ng Abril.
Sinabi ni Cayetano na napag-usapan na nila at pumayag na si Senate President Vicente Sotto III na ituloy nila ang sesyon ng Kamara de Representantes at ng Senado bagamat posible na i-extend ng Pangulo ang lockdown sa Luzon.
Ayon sa Kanya, batay sa Saligang Batas, ang Kongreso ay magko-convene sa Mayo a4 ngunit maaaring ganapin ng bawat kamara ang kani-kanilang sariling online sessions bilang pagsunod sa quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para mahinto na ang transmisyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Idinagdag niya na kung ang ECQ ay maiangat na, maari na nilang isagawa ang sesyon online kung kayat hinihintay na lamang nila ang announcement ng Pangulo sa April 30.
Free Counters
Free Counters