Dalawang bangko ng pamahalaan, may mahahalagang papel sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 crisis
Ipinahayag ni Albay at House Economic Stimulus Cluster co-chair Rep Joey Sarte Salceda ang kahalagahan ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) sa pagbangon ng bansa mula sa kasalukuyang COVID-19 crisis.
Sinabi ni Salceda na nakasaad ito sa calibrated economic stimulus program na binalangkas ng House Economic Stimulus Cluster na nakatakdang talakayin ng Kamara sa muling pagbubukas ng sesyon nito sa susunod na linggo.
Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, ang pakikiisa, kahandaan at malawak na karanasan ng LBP ay nagbibigay ng malakas na tiwala na magiging tagumpay ang stimulus plan.
Kapwa mahusay ang patakbo sa LBP at DBP sa nakaraang mga taon, dagdag pa niya, na parehong nagsusulong ng kanilang missionary expansion kaya ang mabisang ugnayan nila sa mga small and medium enterprises (SME) ay magiging mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga stimulus loans
Iminungkahi din ni Salceda ang Negative Interest Loans, isang stimulus package na aakit sa mga kumpanyang may pera na mamuhunan sa bansa.
<< Home