Palawigin ang mga serbisyo ng mga contractual goverment employees hanggang sa katapusan ng taon, mungkahi ng isang solon
Hinikayat ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang MalacaƱang na i-extend o palawigin ang serbisyo ng mga contractual emplyees sa burukrasya hanggang sa katapusang ng taong 2020.
Tinukoy ni Rodriguez ang datos ng Civil Service Commission (CSC) na nagsasabing humigit kumulang sa 700,000 personnel ang naitalang na-hire ng pamahalaan sa pamamagitan ng tinatawag na job-order (JO) o contract-of-service (COS) arrangement.
Sinabi ng mambabatas na inindorso niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ang mga kontrata ng mga empleyadong ito ay seguradong maipalawig hanggang December 31, 2020 para naman sila mabigyan ng kaunting seguridad dito sa panahong walang katiyakan.
Ayon sa kanya, sa panahong ito ng COVID-19 pandemic, ang pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon sa iba pang parye ng bansa ay para bagang malinaw na pangitsin na ang mga kontrata ng mga empleyadong ito ay posibleng hindi na ma-renew o maipalaeig pa.
Idinadag pa niya na ang bansang Pilipinas ang isa sa mga bansang tinamaan ng COVID-19 pandemic sa Southeast Asia sa usapin hinggil mga mga tinamaan ng sakit na ito.
<< Home