Mahahalagang mga panukala, tatalakayin ng Kongreso sa pagbubukas nito sa a-4 ng Mayo
Tatalakayin ng Kongreso ng Pilipinas ang ilang mga mahahalagang nakabinbing panukala sa pagbabalik ng mga sesyon nito sa ika-4 ng Mayo na ang karamihan nito ay ang yaong mga may kaugnayan sa pag-tugon sa magiging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano kahapon nang kanyang sinabi na nagpapaubaya na lamang ang mga mamamayan sa loob ng anim na linggong lackdown na pinagandang tawagin na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Cayetano, napag-kasunduan na nila ni Senate President Vicente Sotto III na ituloy nila ang pag-convene ng sesyon sa Mayo a4 at kung may ECQ pa ay isasagawa nila ito electronically online kagaya ng kanilang ginawa noong tinalakay ang Bayanihan Act.
Idinagdag pa ng Speaker na handa silang magdaos ng sesyon kahit sa buong mga gabi pa hanggang kina-umagahan nito.
Umaasa ang lider ng Kamara na mapag-tuonan ng mga mambabatas na mapag-aralan ng maigi ang mga panukalang tutugon sa pagpuksa sa COVID-19 pandemic kagaya ng ginagawa sa Estados Unidos kung saan gumugol ang mga legislator doon ng mahabang panahon para matalakay lamang ang kanilang mga economic stimulus programs.
<< Home