Speaker Cayetano: P50 bilyong piso ilalaan ng gobyerno para sa sektor ng micro, small and medium enterprises
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano doon sa isinagawang virtual meeting ng Defeat Covid-19 adhoc committee ng Kamara de Representantes kasama ang mga economic managers, na ang financial assistance ay para sa mga nawalan ng pagkakitaan gaya ng comedy club, musikero, parlor o salon at maging ang mga masahista.
Ayon kay Cayetano, pinag-aaralan na rin ngayon ng Kongreso at ng mga economic managers kung papaano iko-convert ang 2019-2020 national budget upang magamit kaagad ng tao bagamat naka-focus ito sa social amelioration program.
Dagdag pa ng lider ng Kamara na pagtutuunan ng ibayong pansin ang 2021 national budget para sa mga maliliit na negosyo.
Hindi rin aniya dapat balewalain ang national ID system at health facilities bukod sa mga proyekto ng Department of Transportation, Department of Agriculture at ng Department of Public Works and Highways kapag bumalik na sa normal ang buong bansa.
<< Home