Magkakaroon ang DOH ng 185,000 na mga bagong rapid 45-minute COVID-19 tests
Pinahayag ni Anakalusugan partylist Rep Michael Defensor na magkakamit ang Department of Health (DOH) ng 185,000 na kadi-develop pa lamang na mga rapid test na may kakayahang makapag-detect ng COVID-19 virus sa loob ng 45 minuto.
Sinabi ni Defensor na ang mga rapid COVID-19 tests na ito ay pangmalawakang ginamit na sa America, kabilang dito ang mga ospital sa State of New York, na siyang may pinakamaraming confirmed pandemic cases.
Ayon pa kay Defensor, ang naturang mga test kits ay i-deliver ng pautay-utay base sa linggo-linggong shipment na may initial batch na 3,000 test na datating dito sa Manila sa Biyernes, ika-17 ng Abril at lahat nang 185,00 tests ay direktang matatanggap na DOH at handa nanag i-deploy, kung kinakailangan.
Itong bagong coronavirus tests na kilalaning Xpert Xpress SARS-CoV-2 ay na-develop ng Sunnydale, California-based biotech firm Cepheid Inc., at ito ay aprubadong gamitin ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) noong March 21 at subsequently ay cleared na rin ng ating FDA sa bansa noong March 26, dagdag pa ni Defensor.
<< Home