Mga frontliners sa pribadong sektor pinabibigyan din ng 25% hazard pay ng isang kongresista
Umapela si House committee on Labor and Employment Vice Chairman at TUCP Partylist Rep Raymond Mendoza sa pamahalaan na isama ang mga frontliner sa pribadong sektor na mabigyan ng 25% hazard pay sa ilalim ng Bayanihan Act .
Ayon kay Mendoza, tulad ng mga nasa pampublikong sektor ay lantad din aniya ang kalusugan ng mga frontliners sa private sektor na mahawa ng sakit dahil sa kanilang tuloy-tuloy na serbisyo sa gitna ng krisis kaya nararapat lamang aniya na mabigyan din ang mga ito ng 25% hazard pay.
Kabilang sa mga frontliners na pinabibigyan ng 25% hazard pay ay ang mga nasa media, bangko, supermarkets, security, manufacturing, sanitation, food industry, delivery at trucking at ang iba pang mga nagtatrabaho sa panahon ng enhanced community quarantine.
Sa huli ay sinabi ni Mendoza na itinuturing na bayani ang mga frontliners at magsisilbing token lamang ang 25% hazard pay bilang pagkilala sa kanilang pagsasakripisyo dahil tulad ng iba ay may pangangailangan at may mga pamilya ding umaasa sa kanila.
<< Home