Panawagan ni Cong Mike Defensor: Tigilan na muna ng mga kritiko ang pagtutol sa gagawing pagtulong ng China sa atin
Hinimok ni House Committee on Health Vice Chairman at Anakalusugan Partylist Rep Mike Defensor ang ilang mga kritiko na tigilan muna nila ang pagtutol sa gagawing pagtulong ng China sa bansa.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na iniaayos na ang nakatakdang pagdating sa bansa ng isang team ng mga Chinese medical experts na tutulong sa Pilipinas para labanan ang nakamamatay na sakit na COVID-19.
Paliwanag ni Defensor, dapat na payagan at suportahan ang grupo ng mga doctor mula sa China dahil bukod sa may experience na sila sa paglaban sa COVID-19 ay tiyak na may dalang resources din ang mga ito na kinakailangan ng ating mga pagamutan.
Malinaw din aniya na anumang tulong mula sa ibang bansa ay kailangang kailangan ngayon ng ating bansa lalo pa't nagkaroon na ng overcapacity ng mga pasyenteng may coronavirus at kulang na rin ang mga medical personnel matapos na mahawa ng virus ng mga ginagamot na pasyente.
Bukod dito, patapos na ang China sa problema sa COVID-19 kaya mahalagang malaman natin ang experience at mga hakbang nila para mapababa ang bilang ng transmission at tuluyang mapuksa ang coronavirus.
<< Home