Thursday, April 02, 2020

Huwad na twitter account na @house_files na nagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa COVID-19, nadiskubre ng Kamara

Ipinahayag ng pamunuan ng House of Representatives na hindi nila pagaari ang Twitter account na @house_files  na nagpo-post ng mga maling impormasyon kaugnay sa Corona Virus Disease o COVID-19 gamit ang official seal ng Kamara.
Sinabi ni House Deputy Secretary General Atty. Darren de Jesus na nais nilang iparating sa publiko na ang official Twitter account ng Kamara ay @HouseofRepsPH. 
Ayon kay De Jesus, malinaw na paglabag ito sa Republic Act No. 11469, o ang Bayanihan to Heal As One Act of 2020 at Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. 
Aniya, napalitan ang account name sa @congresstita at patuloy na nagkakalat ng mga maling impormasyon.
Dagdag pa si De Jesus sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para sa pagkakilanlan ng mga nasa likod ng malisyosongTwitter account upang mapanagot ang mga ito sa batas dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyong nagdudulot ng panic, takot at pagkalito sa publiko.
Free Counters
Free Counters