Tuesday, February 11, 2020

SolGen Calida, ipapatawag ng House committe on legisltive franchises

Ipapatawag ng House Committee on Legislative Franchises si Solicitor General Jose Calida sa pagdinig nito hinggil sa ABS-CBN franchise. 

Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Vice-Chairman Antonio “Tonypet” Albano, isusumite rin sa komite ang petisyon ni Calida upang mapag-aralan ng mga miyembro at malaman din ang nilalaman ng kanyang posisyon. 

Plano na rin naman aniya ng komite na ikalendaryo ang ABS-CBN franchise renewal sa lalong madaling panahon. 

Sa katunayan aniya ay nagsasagawa na sila ng closed-door meetings para sa pagrerenew ng prangkisa ng broadcast network. 

Katwiran naman ni Albano, ayaw nilang magpadala sa pressure mula sa Ehekutibo at sa giant network kaya minabuti nilang gawin ang closed-door meetings upang hindi maimpluwensyahan ang kanilang desisyon.
Free Counters
Free Counters