Wednesday, February 05, 2020

Nag-defect ang 4 na PDP-Laban lawmakers tungo sa National Unity Party

Apat na seats ang nadagdag sa bilang ng mga miyembro ng National Unity Party o NUP sa Kamara de Representantes matapos mag-defect apat sa hanay ng Partido Demokratiko Pilipino - Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Sina Deputy Speakers Neptali Gonzales II at Dan Fernandez, La Union 2nd District Rep Sandra Eriguel, at Cagayan de Oro 1st District Rep Rolando Uy ay bumitaw sa ruling party tungo sa sinasabing emerging power sa Mababang Kapulungan. 

Sa kanilang pag-alis sa PDP-Laban, may 61 upuan na sa Kamara ang NUP samantalang ang ruling party ay 66.

Sinabi ni Fernandez na ang NUP ay ang partido na something to reckon with in the future at ito na umano ang tamang panahon para sa kanila na malaman ang tunay na party na kanilang pinaniniwalaan na talagang akma para sa kanila.

Sa bahgi naman ni NUP President at Cavite 4th District Rep Elpidio Barzaga sinabi nito na ang kayang partido ay nanatiling committed sa pagsulong ng mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pinag-kibit balikat lamang ni Barzaga ang espekulasyon hinggil sa impact nito sa isyu ng House speakership at sinabi na “too premature” upang pag-usapan ito.

Ang anak ng Pangulo na Davao City 1st District Rep Paolo Duterte ay hinirang ng NUP bilang isang honorary member nito.

Matandaang minsan ay nag-planong  tumakbo bilang Speaker ang nakababatang Duterte at naging masyadong vocal sa kanyang oposisyon sa term-sharing deal na brokered ng kanyang ama sa pagitan nina Taguig-Pateros 1st District Rep Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep Lord Allan Jay Velasco.
Free Counters
Free Counters