Wednesday, February 05, 2020

Panukalang gamitin ang rice subsidy fund sa 4P's, aprubado na sa committee level sa Kamara

Aprubado na sa House Committee on Appropriations ang substitute bill para sa House bill 5583 na layong  gamitin ang rice subsidy fund sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sa ilalim nito, imbes na P600 cash ang ipapamahagi sa mga 4Ps beneficiares ay tig-20K o kalahating sakong bigas na ang ibibigay sa kanila.

Base sa datos ng DSWD mayroon pang 2.27B na pondo mula sa 2019 budget ang kanilang maaaring gamitin para sa pagpapatuad nito bukod pa sa pondo na naka-appropriate na sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.

Nilinaw naman ng DSWD na hindi nationwide ang magiging pagpapatupad ng naturang programa at mayroon lamang silang tinukoy na 40 probinsya na magiging pilot provinces nito.

Ang mga probinsyang ito ang mga may pinaka mahihirap na 4ps beneficiaries.

Pinatitiyak naman ng mga mambabatas na magiging maayos ang distribusyon ng naturang mga rice subsidy.

Dahil dito, pinasisiguro ni House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab na sa oras na maisabatas ito ay agad na maipapatupad ang programa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Free Counters
Free Counters