Paghihigpit sa naging talamak na cigarette smuggling sa bansa, ipinanawagan ni DS Savellano
Ibinunyag ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano na sobra nang naa-apektuhan ang local tobacco industry at nawawalan ng bilyun-bilyong pisong buwis ang kaban ng bayan dahil sa talamak na cigarette smuggling sa bansa.
Sinabi ni Savellano na mahigit P30 milyong piso kada trak ang nawawalang buwis para gobyerno na katumbas nito ang mahigit 1000 karton ng sigarilyo.
Ayon pa sa mambabatas, kailangang mahinto ang illegal activity na ito dahil napapahirapan ang mga ordinaryong tobacco farmers.
Idinagdag pa niya na kung wala ang iligal na pagpupuslit ng karton-kartong sigarilyo at mahusay ang koleksyon ng excise tax, maari nitong ponduhan ang universal health care ng pamahalaan.
Dahil dito, naghain ng HR00079 si Savellano para sa imbestigasyon ng Kamara at nananawagan din sa mga otoridad na higpitan pang lalu ang pagsugpo sa mga mapagsamantalang indibiduwal na nasa likod ng talamak na pagpupuslit ng sigarilyo.
<< Home