Monday, February 10, 2020

Magbitiw sa puwesto bilang chairman si Rep Franz Alvarez kung hindi nito maiharap sa komite ang mga resolusyon hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN, paghahamon ni Rep Atienza

Hinamon ni Buhay Partylist Rep Lito Atienza na bumaba sa pwesto bilang chairman ng House committee on legislative franchises si Palawan 1st District Rep Franz Alvarez kung hindi nito maiharap sa kanyang komite ang 11 House Resolutions na may layuning bigyan ng prangkisa at i-renew ang ABS-CBN networks.

Sinabi ni Atienza hindi maaring balewalain ni Alvarez ang panawagan ng 83 kapwa niyang mga mambabatas na lumagda sa resolusyon upang i-renew ang prangkisa ng Kapamilya networks.

Hindi aniya maaring talikuran ni Alvarez ang obligasyon ito dahil 14,000 na empleyado ang maaring ma-apektuhan na mawalan ng trabaho sakaling magsara ang istasyon.

Nagpasaring din ang solon kung bakit hindi binigyang-pansin ang ng komite ang prangkisa ng ABS-CBN samantalang tinalakay naman sa nasabing komite ang iba pang mga prangkisa ng ibang mga kumpanya.

Ayon sa kanya, Kongreso at eksklusibong hurisdiksiyon ito ng Kamara, ang may mandatong magbigay ng prankisa sa isang television o radio network at hindi ang Korte Suprema.
Free Counters
Free Counters