Tuesday, February 04, 2020

Panukalang magbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan at mga bata sa electronic violence ay aprubado na sa pangatlo at pinal na pagbasa

Inaprubahan na kahapon sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas, ang HB05869, na maggagawad ng proteksiyon sa mga kababaihan at mga bata sa electronic violence.

Batay sa panukala, poprotektahan ang mga kababaihan at mga bata sa lahat ng uri ng electronic violence at hahadlangan ang anumang creative defense na gagamitin ng mga violator ng batas na magmamanipula sa teknolohiya para lamang maisagawa ang krimen.

Isinama rin sa panukala ang anumang porma ng impormasyon at communications technology na gagamitin upang maging sanhi ng mental, emotional o psychological distress sa biktima.

Ipagbabawal din ang harrassment sa pamamagitan ng text messaging at anumang iba pang cyber, electronic, o multimedia means at ang paggawa ng fake social media account na gumagamit ng pagmamay-ari ng ibang account para gamitin sa kalokohan.

Ganun din ang stalking, kasama na ang hacking ng personal accounts sa social networking sites, at ang paggawa ng fake na mga impormasyon sa pamamagitan ng cyber o electronic na pamamaraan.
Free Counters
Free Counters