Monday, February 03, 2020

Hinimok ni Speaker Cayetano ang mga komite sa Kamara na maghanda para sa anumang epekto sa ekonomiya ng coronavirus scare

Pinaghahanda na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga komite sa Kamara para sa magiging epektong kakaharapin ng bansa sa sektor ng turismo dahil sa 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o 2019 NCOV- ARD.

Kaugnay dito, ipinalalatag na ng Speaker sa House Committee on Tourism at House Committee on Economic Affairs, kasama ang Department of Tourism (DOT) ang short-and medium term effects ng laganap na virus sa tourism at travel industry para magawan ng solusyon.

Ayon pa kay Cayetano, kailangang maging handa ang bansa sakaling magtagal pa ang corona virus lalo pa at mga chinese nationals ang unang tinamaan nito.

Base sa tala sa DOT, nasa 1.63 million mula sa kabuuang 7.4 million international tourist arrivals sa bansa noong 2019 ay mga Chinese na siya namang tinamaan ngayon ng entry ban sa Pilipinas dahil sa banta ng NCov.

Dahil sa dami ng mga Chinese tourist na nagtutungo sa bansa at iba pang lugar sa Asya, nakikita din ni Cayetano ang epekto nito sa Asian Economy lalo na sa sektor ng airlines, hotel and restaurant accomodations at iba pa.

Sa huli, bukod sa DOT ay nanawagan din ang lider ng kamara sa mga ahensya ng pamahalaan na magtulungan para maagapan ang epekto ng NCov sa lahat ng sektor sa bansa.
Free Counters
Free Counters