Monday, February 03, 2020

Speaker Cayetano, nanawagan sa DOH na makipag-ugnayan sa mga LGU para makakiha ng tamang impormasyon hinggil sa coronavirus

Nananawagan si Speaker Alan Peter Cayetano sa Department of Health (DOH) na makipag-ugnayan ito sa mga local government executives at kinatawan ng mga distrito upang magkaroon ng wastong impormasyon na madaling maintindihan ng publiko kaugnay sa novel coronavirus (nCov) na laganap na sa buong mundo. 

Sinabi ni Cayetano na makatutulong ang mga local officials na mapahupa ang pag aalinlangan ng publiko sa nCov at mabigyan sila ng wastong impormasyon hinggil sa nasabing sakit upang maiwasan ang pagkalat nito.

Nakatutulong man aniya ang social media subalit nagkakaroon lamang ng pagkalito ang publiko dahil kadalasan ay mali ang ibinibigay na impormasyon dito.

Idinagdag pa ni Cayetano na kung tutulungan natin ang DOH na maipalaganap ang tamang impormasyon tungkol sa novel coronavirus, maiiwasan ang panic at health scare ng publiko.

Magkakaroon aniya ng tamang guidance ang ating mga kababayan patungkol sa nCov dahil reliable ang makukuha nilang impormasyon tungkol sa sakit na ito.
Free Counters
Free Counters