Wednesday, November 06, 2019

Walang natatagong parked funds sa 2020 Budget, paniniyak ni House Speaker Cayetana kay Senator Lacson

Tiniyak ni Speaker Alan Peter Cayetano kay Senator Panfilo Lacson na walang natatagong P20 Billion na parked funds sa 2020 budget. 
Kasunod ito ng pahayag ni Lacson na walang pork barrel ang pambansang pondo sa susunod na taon pero may nakatagong parked funds dito. 
Ayon kay Cayetano, tulad ng mga naunang pahayag ng liderato ng Kamara ay naninindigan sila na walang anumang uri ng pork o parked funds ang 2020 budget. 
Mismong siya na Speaker ay sisiguraduhin na walang bahid ng korapsyon o gagamitin sa katiwalian ang pambansang budget. 
Dadaan pa naman aniya ito sa masusing proseso ng paghimay sa bicam kaya mapapatunayan niya na iisa lamang din ang hangarin ng Kamara at Senado pagdating sa pagiging reliable na matugunan ang pangangailangan ng publiko. 
Kumpyansa din si Cayetano na walang magiging balakid sa pagapruba sa budget sa bicam dahil maagap ang pakikipagugnayan ng mga ahensya ng gobyerno para sa mga kinakailangang proyekto sa susunod na taon lalo na ang mga problema sa African Swine Fever, presyo ng palay, health, education at iba pa.
Free Counters
Free Counters