Pagatatatag ng sariling high school para mga atletang Filipino, isusulong ni Speaker Cayetano
Isusulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magkaroon ng sariling High School ang mga kabataang atleta na may potential na mag-excel sa larangan ng sports.
Ayon kay Cayetano na siya ring chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee o PHISGOC, nais nilang i-convert at ipagamit sa mga future athletes ang mga sports facilities sa Clark na gagamitin naman sa hosting ng bansa sa 2019 SEA Games.
Ani Cayetano, nais nila ito na gawing mala-PMA ang paaralan kung saan sagot ng gobyerno ang gastos ng mga atletang sasabak sa training kasabay ng pag-aaral sa Junior at Senior High School.
Punto pa nito na kumpleto na sa gamit ang Clark na may sariling Athletic at Aquatic Center, baseball field at football field at iba pang pasilidad na akma para sa training ng mga estudyante.
Nasa 200 hanggang sa 400 na mga piling estudyante naman per school year ang balak nilang ipasok sa programa para magkaroon ng konkretong grass roots development program sa sports ang Pilipinas na sasabak sa darating na mga international sporting events.
<< Home