Isasantabi na ng Kamara ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing hindi na kakailanganin pa ang emergency powers dahil hindi na magiging epektibo ito sapagkat nasa kalagitnaan na rin naman ang mga konstruksyon sa transportasyon bilang bahagi ng Build Build Build program.
Matatandaan na sinabi rin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi gugustuhin at hindi makikiusap ang Pangulo para lamang mabigyan ng emergency powers.
Ayon kay Cayetano, sa halip na emergency powers ay iie-exercise na lamang ng Kamara de Represntates ang kanilang oversight powers upang mapabilis ang mga proyekto at matiyak na hindi magiging problema ang right-of-way.
Makikipag-ugnayan ang Mababang Kapulungan sa mga LGUs para matiyak na mabilis ang mga itinatayong imprastraktura at isusulong din nito ang pagkakaroon ng mass transportation.
<< Home