Warrantless arrest, puwedeng isagawa laban sa mga ex-convict na ayaw sumuko
Pupuwede umanong arestuhin kahit walang warrant of arrest ang mga ex-convict sa heinous crimes na napalaya dahil sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA).
Sa pagharap ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Kamara, inihayag nito na kung matatapos ang 15-araw na taning ni Pangulong Duterte at hindi pa rin kusang lumutang ang mga ex-convict, maituturing silang pugante sa batas.
Kapag naideklara na aniya silang mga pugante, mangangahulugan na tinatakasan nila ang sentensya.
Sa ganitong sitwasyon ay maaari nang dakpin ang mga convict kahit pa hindi nakapagpapalabas ng warrant of arrest dahil sa continuing offense o pagpapatuloy lang ng pagpapatupad ng parusa sa kanilang naging kasalanan sa batas.
<< Home