Thursday, September 05, 2019

Hinihinging pondo ng DoTr para sa fiscal year 2020, domuble

Sa budget hearing sa kamara, inilahad ni Transportation Secretary Aurthur Tugade na nasa P147 Billion ang kanilang budget proposal sa susunod na taon o doble sa P69.2 Billion na allocation nila ngayong taon.
Punto ni Tugade, mahalaga na may sapat na pondo ang tanggapan upang mapondohan ang mga priority transportation projects  ng administrasyon.
Samantala, masaya namang ibinalita ni Transportation Undersecretary TJ Batan na sisimulan na ang drilling operations ngayong Nobyembre o Disyembre para sa Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Batan, target nila maging partialy operational ang 3 subway stations sa pagtatapos ng 2021 kabilang dito ang Tandang Sora, Mindanao Avenue, at North Avenue stations.
Free Counters
Free Counters