Thursday, September 05, 2019

Faeldon, huwag i-recycle, ayon pa kay Rep Janette Garin

Suportado ng mga kongresista kahit pa mula sa hanay ng oposisyon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa posisyon si dating BuCor chief Nicanor Faeldon.
Pero ayon kay House Senior Minority Leader Janette Garin, kailangan pa ring mapanagot sa batas si Faeldon dahil sa mga pagkakamali at pag-abuso nito at hindi na rin siya dapat pang maitalaga o ma-recycle sa kahit anong posisyon sa pamahalaan.
Iginiit din ni ACT CIS partylist Rep. Eric Yap na may maparusahan  sa maagang pagpapalaya sa mahigit 1,900 convict sa heinous crime dahil sa good conduct time allowance.
Naniniwala naman si Speaker Alan Peter Cayetano na nagdesisyon ang Pangulo na sipain si Faeldon dahil may mga hawak itong impormasyon at naimbestigahan ang kontrobersya.
Dismayado si Cayetano sa aniya'y nakakahiyang kinasangkutan ni Faeldon na sa kabila ng paglilinis sa gobyerno ay mayruon pa rin nakatagong anomalya.
Free Counters
Free Counters