Locsin: Mas lumalabag pa ang Western Countries kumpara sa China sa right to innocent passage
Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na mas lumalabag pa raw sa right of innocent passage ang mga Western Countries kumpara sa China.
Reaksyon ito ni Locsin matapos maungkat sa budget briefing ng House Committee on Appropriations ang makailang ulit na pagdaan ng Chinese Warships ng walang paalam sa Sibutu Strait na bahagi ng teritorial waters ng bansa.
Ani Locsin, hindi rin nagpapa-alam ang mga western countries - katunayan ay may stealth technology ang mga kanluraning bansa upang hindi sila madetect ng radar.
Batid naman ng opisyal na hindi na kailangan ng permiso kapag dumadaan sa teritoryo ng bansa gamit ang innocent passage kung may nagaganap na joint naval o military drills.
Subalit ani Locsin, kahit walang military drills ay hindi rin nagpapa-alam ang mga western naval powers kapag dumadaan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
<< Home