DFA, umapela sa Kamara na madagdagan ang pondo nito
Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kamara na irekunsidera na madagdagan ang pondo para sa ilang proyekto at programa ng ahensya.
Sa ilalim ng Tier 2, aabot sa P3.662 Billion ang naaprubahan para sa expansion ng mga prayoridad na proyekto kabilang dito ang pagtatayo ng mga bagong consular offices.
Panawagan ng DFA na itaas sa kahit P8 Billion ang pondo para tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng mga proyekto at pasilidad ng tanggapan.
Nasa P22.55 Billion ang inaprubahang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa DFA sa 2020 o katumbas ng 0.55% na bahagi ng DFA budget sa kabuuang P4.1 Trillion 2020 national budget.
Sa huli, ipinagmalaki naman ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin na 99.99% ang utilization ng budget noong 2018 at sa top 10 collecting agencies ay nasa ika-anim ang DFA sa may mataas na koleksyon na aabot sa P2.35 Billion mula 2015 hanggang 2017.
<< Home