Tuesday, September 10, 2019

Ungab: 2020 National Budget House version, inaasahang tatanggapin ng Senado

Muling iginiit ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na pork-barrel-free at walang nakapaloob na lump sum o anumang confidential funds sa 2020 General Appropriations Bill o GAB.
Dahil dito, tiwala si Ungab na tatanggapin ng Senado ang ipapasang bersyon ng Kamara para sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Una  nang  sinabi ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman Joey Salceda na tanging mga institutional amendments lamang o yung mga hirit na dagdag na pondo ng ahensya ang isiningit para pagdidebatehan sa plenaryo.
Samantala ngayon hapon ay sisimulan na sa plenaryo ang budget deliberations ng P4.1 Trillion national budget na inaasahang tatagal hanggang sa susunod na linggo.
Free Counters
Free Counters