Friday, August 16, 2019

Second tranche ng TRAIN Law, isasalang na sa hearing


Isasalang na sa hearing ng house committee on ways and means ag ikalawang tranche ng Train Law o ang Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities o Trabaho bill.

Isasalang din sa committee hearing ang panukalang patawan ng excise tax ang mga alcohol products.

Sa isang panayam dito sa kamara, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, mahalagang mapag-usapan ito sa komite para mabuo ang tax reform packages ng Duterte Administration.

Ito naman ang magiging unang committee hearing ng house ways and means ngayong 18th Congress kung saan si Albay Rep. Joey Salceda ang chairman.

Bukod naman sa Trabaho bill at Excise Tax on Alcohol products, target ding maipasa sa kamara package 3,4 ng tax reform bill.

Free Counters
Free Counters