Friday, August 16, 2019

Panukalang i-exempt ang mga public hospital doctors sa SSL, inihain sa Kamara


Isinusulong  ni Masbate Rep. Elisa Kho sa kamara ng panukala na layong i-exempt sa Salary Standardization Law o SSL ang mga medical doctor na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital.

Batay sa HB00460 o An Act Granting Exemption to Medical Doctors from the Coverage of RA 6758 o SSL layon nitong mabigyan ng competitive na sahod ang mga public hospital doctors sa Pilipinas upang mahikayat ang mga ito na hindi na mangibang bansa.

Bukod dito ay layon din ng panukala na solusyunan ang problema sa kakulangan ng health workforce sa bansa upang masiguro na mabibigyan ng quality healthcare service ang mga Pilipino.

Sa ngayon kasi base sa datos ng Professional Regulation Commission, mayroon lamang 72,000 na lisensyadong doktor sa buong bansa kung saan isang doktor sa kada 10,000 pasyente, habang sa mga probinsya ay nasa isang doktor sa kada 33,000 na tao ang ratio na malayo sa standard ratio ng World Health Organization na 1:1000.

Kapag naisbatas ang panukala ang Department of Health (DOH) ay siyang aatasan na magpatupad ng comprehensive at competitive salary structure ng mga government doctors.

Free Counters
Free Counters