Tuesday, August 06, 2019

Kagawaran para sa mga Pinoy abroad, isinulong ni Rep. Camille Villar


Inihain ng bagitong mambabatas ng Las Pinas na si Representative Camille Villar ang isang panukalang batas na magtatatag ng isang kagawaran na mangangasiwa sa kapakanan at proteksiyon ng lahat ng Pinoy na nasa ibang bansa.
Batay sa House Bill No. 3313, tatawagin ang bagong kagawaran na Department of Migration and Development o DMD kung saan ililipat na ang mga ahensiyang may kaugnayan sa mga overseas Pilipino tulad ng OWWA at POEA.
Sinabi ni Villar na bagama't may mga kasalukuyang ahensiya ang pamahalaan na nangangalaga na sa mga overseas Filipino workers, marami pa rin umano ang mga ito ng hinaing na hindi sapat ang atensiyon na nakukuha ng ating mga kababayang nagtatrabaho o namamalagi sa ibang bansa na nangangailangan ng tulong.
Marami pa rin daw ang mga hinaing at sintemiyento ng mga OFW sa pamahalaan dahil diumano sa mga pagkabalam at hindi sapat na suporta at tulong sa parte ng ating pamhalaan habang sila ay kumakaharap ng mga mahihihrap na suliranin doon sa ibayung dagat.
Sa nakalipas na mga taon, sinabi pa ni Camille na patuloy na dumadami ang mga Pinoy nangingibang-bansa na karamihan ay para magtrabaho nang mabigyan nila ng magandang buhay ang iiwanang pamilya.
Ayon pa kanya, dapat suklian ng pamahalaan ang sakripisyong ginagawa ng mga Pinoy abroad at ang malaking kontribusyon nila sa ekonomiya sa paraan ng ipinapadala nilang remittance na tinatayang umaabot sa $29 bilyon hanggang $32 bilyon nito lang taong 2018.

Free Counters
Free Counters