Pagbabawal ng pagbili ng mga Dengue Kits gamit ang Quick Response Fund, ipinananawagan
Nananawagan si dating Health Secretary at ngayoy Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kay Health Secretary Francisco Duque na ipagbawal ang pagbili ng mga Dengue Kits gamit ang Quick Response Fund.
Ayon kay Garin, ito ay posibleng pagmulan ng korapsyon gaya nalamang nang pagbili ng mga brgy tanod kits na aniyay hindi napapakinabangan.
Itinaon naman ang panawagan matapos magdeklara si Duque ng national dengue alert kung saan maaari nang magamit ng local government ang kanilang quick response fund.
Samantala, nananawagan naman si Garin kay Duque na timbangin nang maigit ang dengue situation at ang komento ng mga eksperto na gustong ibalik ang pagamit ng dengvaxia vaccine kontra sa mga naturalists na kontra sa bakuna.
Sa huli, suportado ni Garin ang pagdedeklara ng national dengue epidemic kasabay ng panawagan sa DOH na ikonsidera ang pagamit ng dengvaxia kahit sa mga pribadong pasyente na gustong bumili at magpaturok nito.
<< Home