Monday, February 06, 2012

Industriya ng sapatos, ipagpapaibayo't pauunlarin

Hiniling ngayon sa Kamara na palawigin ang pagbibigay ng insentibo sa mga nasa industriya ng paggawa ng sapatos, leather goods at tannery upang makasabay ang bansa sa pandaigdigang hamon at globalisasyon.

Sinabi ni Marikina Rep Marcelino Teodoro layunin ng kanyang inihaing panukala, ang HB05679 na amiyendahan ang RA09290 o ang Footwear, Leather Goods and Tannery Industries Development Act.

Ipinaliwanag ni Teodoro na ang RA09290 ay naisabatas noong Abril 2004 bilang pagkilala sa footwear, leather goods and tannery industries sa bansa bilang isang potensiyal na makapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at makakatulong upang tumaas ang foreign exchange earnings ng bansa sa pamamagitan ng exports at import substitutes.

Ayon kay Teodoro, isa sa pinakamahalagang probisyon sa batas na ito ay ang pagbibigay ng time-bound incentives para sa mga qualified enterprises sa pamamagitan ng tax credits, additional deduction on gross income, zero duty sa mga inaangkat na capital equipment at
promotion, advertising at sale ng mga local na produkto na ibebenta sa mga duty-free shops na pinangangasiwaan ng pamahalaan.

Kahit na mag-iisang dekada na umano ang RA09290, nahaharap pa rin sa malaking pagsubok ang naturang industriya dahil na rin sa globalisasyon, dahilan upang ang karamihan dito ay tuluyan ng magsara.

---
Free Counters
Free Counters