Monday, January 30, 2012

Internally displaced persons, protektado na

Pumasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang HB05627 na may layuning magbibigay ng proteksyon sa anumang kaso hinggil sa lupa kagaya ng conversion, pagsira sa kalikasan, sapilitang pagpapatupad ng mga proyekto at iba pang sakuna na gawa ng tao at ito ay tatawaging Internally Displacement Act of 2011 na iniakda ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez.

Ang panukalang batas na ito ang magtataguyod at magpoprotekta sa karapatan ng internally displaced persons (IDPs) o yaong mga indibidwal na napapa-alis sa kanilang kinatitirikang lupa sa sitwasyon ng armadong labanan at karahasan.

Sinabi ni Rodriguez na layunin din ng panukalang ito na bigyan ng tulong pinansyal ang biktima ng internal displacement at tiyakin ang kanilang kaligtasan, pansamantalang tirahan at rehabilitasyon sa kani-kanilang lugar.

Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Joint Congressional Oversight Committee na magkakaroon ng kapangyarihan na magtanong, magpatawag at mag-imbestiga sa Order of Battle na nakasaad sa Batas.

---
Free Counters
Free Counters