Monday, January 30, 2012

Aprubado na sa Kamara ang National Folic Acid Education Program

Pumasa na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang HB00592 na naglalayong maitaguyod ang kampanya para sa national folic acid education upang maitaas ang antas ng kaalaman ng mga babaeng buntis sa kahalagahan ng folic acid para maiwasan ang depekto habang sila ay nagdadalang-tao.

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodrigurez na kabilang sa kampanya ng pamahalaan ang mahikayat ang mga babaeng buntis na uminom ng folic acid araw-araw, isang Vitamin B na matatagpuan sa mga gulay, beans, citrus, mga prutas at juices.

Ayon sa kanya, ang folic acid ay mabisang pang-alis ng natural tube defects sa lahat ng buntis kung iinom sila ng 400 micrograms araw-araw, o kahit na bago magbuntis.

Habang nagbubuntis ang isang babae, maiiwasan din umano nito na magkaroon ng cleft lip, cleft palate ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Idinagdag pa ni Rodriguez na libu-libong sanggol daw kada taon ang isinisilang na may depekto sa utak at spine na ang tawag ay neutral tube defects.

Ito ang tinatawag na spin bifida, ang pagsasara ng spinal column at anencephaly, isang nakamamatay na kung saan ang sanggol na isinilang ay may diperensya sa utak at bungo.

Inaataan sa panukala ang Department of Health para itaguyod ang programang ito at ipaalam sa publiko ang kahusayan ng folic acid sa pagbubuntis.

---
Free Counters
Free Counters