Monday, January 30, 2012

Dapat bayaran din ang car insurance na hindi sakop sa Acts of God

Hiniling ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez sa IC o ang Insurance Commission na atasan nito ang mga insurance company na bayaran ang mga sasakyang napinsala ng bagyong Sendong kahit na hindi ito sakop ng Acts of God para mabilis na makabawi ang mga biktima ng nabainggit na sakuna.

Sa HR02022, sinabi ni Rodriguez na dapat maglabas ng kautusan ang IC para sa mga napinsalang sasakayan kabilang na ang mga namatay at nasirang ari-arian at behikulo sa Cagayan de Oro at Iligan City dulot ng bagyong Sendong.

Ayon kay Rodriguez, lumubog daw sa baha ang 29 barangay sa Cagayan de Oro at bahagi nito ang mga sasakyan ng mga naninirahan doon, bagamat wala namang naiulat kung ilang sasakyan ang lumubog pero malamang na umabot ito sa isandaan.

Inamin ni Rodriguez na hindi lahat ng sasakyang na-apektuhan ay covered ng Acts of God insurance at wala silang karapatan sa bayad-pinsala ng mga insurance company.

---
Free Counters
Free Counters