Tuesday, January 17, 2012

Pagpapalawig ng Rent Control Law, isinusulong

Ipinanukala sa Kamara de Representantes ngayon na palawigin ang RA09653 o ang tinatawag na Rent Control Law of 2009 upang maisama dito ang mga micro at small business enterprises o yaong mga maliitang negosyo.

Layunin ng HB05636 na iniakda ni Bayan Muna Rep Teddy Casino na lalagyan ng pamantayan ang anumang mga pagtataas ng paupa sa mga commercial spaces, isa na napakalaking gastusin sa negosyo.

Sinabi ni Casino na mas malayang magugol ng mga maliliit na negosyante na gastusin ang kanilang salapi para sa kanilang capital, labor at iba pang operational expenses kontra sa napakataas na paupa.

Idinagdag pa ni Casino na lumitaw sa estatistika na may 780,437 business enterprises sa bansa at 99.6% dito ang micro, small at medium enterprises at sa numerong ito, 91.4% dito ang micro enterprises at 8.2% ang small enterprises.

Ayon pa sa kanya, ang mga negosyong ito umano ang siyang malaking bahagi ng manufacturing at export sales ng bansa kung kata'y kailangan tulungan sila ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapalawig ng naturang batas.

Kasama dito sa nabanggit na panukala na tatawaging Expanded Rent Control Act ang mga commercial spaces at paglilimita ng pagtataas ng paupa.

---
Free Counters
Free Counters