Panawagan para sa pagpapalawig ng CARP, sinuportahan
Sinuportahan si Bukidnon Rep Teofisto Guingona III ang panawagan ng mga magsasaka na mabigyan sila ng kaligtasan sa pag-asang maipatupad na ang batas na tunay na magsasalba sa kanila sa matagal na nilang pagdurusa at pagkakabaon sa utang.
Matatandaang muli na namang nanawagan ang mga magsasaka sa Davao, Compostela Valley, South Cotabato sa mga mambababatas na ipasa na at ipatupad ang batas na magpapalawig at magrereporma sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon kay Dagohoy Magaway ng Mindanao Farmers Development Center, magsasagawa ang mga magsasaka ng iba’t ibang paglalakbay gaya ng ginagawa ng mga peregrino upang ipaglaban ang kanilang lupain.
Sinabi ni Guingona na magmula Sumilao hanggang Calatagan, Batangas, ang mga magsasaka ay hindi tumitigil sa pakikibaka upang mapasakanila ang mga lupang kanilang sinasaka at ang kanilang laging sinasabi na ang repormang agraryo ang tunay na diwa ng kanayunan.
Ayon naman kay Numeriano Gaboten, isa sa mga magsasakang peregrino mula sa Davao del Sur, walang mangyayari sa ating bansa kung walang mga magsasaka, kaya nga dapat lang na suportahan ng lahat ng sektor ang mga ito dahil direktang naaapektuhan ng mga ito ang kanilang kaapakanan.
Matatandaang si Guingona ay bumoto laban sa HJR0019 na ipinasa ng Kongreso noong nakaraang Disyembre at sinabi niyang ang nabanggit na panukala ay isang huwad na CARP dahil wala itong puso, walang probisyon para sa sapilitang pagkuha at pamamahagi ng mga lupain o compulsory land acquisition and distribution.
Umaasa ang mga magsasaka sa mga responsableng mambabatas na kasamahan ni Guingona na makapagsagawa ang mga ito ng mga batas na kalaunan ay magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang buhay.

<< Home