Regulasyon sa negosyong oney transfer, pinarerepaso
Sa HR00293 na inihain ni Bagatsing, sinabi niya na ang ng panukalang isinusulong ay upang paunlarin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga patakaran sa money transfer business na nagsisilbi sa milyon-milyong Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa kanya, dapat umanong na repasuhin at paunlarin ang sistema ng serbisyong pananalapi ng mga financial institutions at non-bank remittance centers at kakayanan upang makapagsilbi ng mas epektibo at mas mura sa mas nakararaming bilang ng kliyente.
Sa kasalukuyan, lumolobo na umano ang bilang ng mga non-bank remittance companies na kumikita ng malaki sa mga ipinadadalang pera ng mga OFW at ang mga non-bank remittance centers na ito ay internet-based at nakapagtatatag na sila ng ugnayan sa mga bansang may malalaking bilang ng OFWs tulad ng Hilagang Amerika, Asia, mga isla sa dagat Pacifico at gitnang Silangan.
Laganap na rin daw ang kanilang mga sangay, ahente at mga ka-negosyo sa Pilipinas, dagdag pa ng mababatas.
Bukod dito ayon pa kay Bagatsing, ang mga ito ay naging kaakibat na rin sa koleksyon ng iba’t ibang ahensyang pamahalaaan tulad ng Social Security System, Pag-ibig at PhilHealth.
Naging malusog din daw ang kompetisyon sa remittance market kaya’t napapanahon na para repasuhin upang magkaroon ng mas malawak na transparency at accountability at magpapababa din sa singil at iba pang bayarin na hindi makakaapekto sa mabilis, ligtas at maaasahang remittance.
<< Home