Lunas sa nanlalabong paningin ng mga matatanda, isinusulong
Naghain si ARC party-list Rep Narciso Santiago III ng panukalang batas na may layuning lunasan ang mga may nanlalabong paningin at mga nagdurusa sa diperensya ng kanilang mga mata na kadalasan ay nagiging biktima ng mga aksidente tulad ng pagkapaso, pagkahulog o pagkatumba, pagkatalisod o pagkabangga, at karaniwang nagiging sanhi ng depresyon o kawalang-pag-asa.
Ang HB05049 o ang Senior Vision Services Act na inihain ng mambabatas ay magbibigay ng liwanag sa mga matatanda kahit hindi sila ganap na bulag, subaliāt malabo ang paningin na lubhang nakakaapekto sa kanilang pagkilos at paggawa ng mga pang-araw araw na gawain.
Sa ilalim ng panukala, ipag-uutos sa Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na magpairal ng mga patakaran at regulasyon upang maipatupad ang nasabing batas at titiyakin nito ang pagkakatatag ng mga serbisyo at pagpapalawak ng mga umiiral na serbisyo lalo na sa mga rehiyon.
Inaasahan ng mambabatas na magsusumite ng ulat ang Kalihim sa Kamara hinggil sa mga kaganapan ng programa, kasama na ang usaping pangpinansyal at ang mga rekomendasyon para sa pagpapalawig nito.
<< Home