Friday, September 13, 2024

 RPPt Speaker Romualdez tiniyak mahigit 100% pagtaas sa daily subsistence allowance ng mga sundalo



Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga sundalo na itutulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahigit 100 porsyentong pagtaas sa daily subsistence allowance ng mga ito simula sa susunod na taon.


GInawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang House of Representatives-AFP Southern Luzon Command fellowship sa Camp Nakar sa Lucena City na dinaluhan ng mga lider ng Mababang Kapulungan kasama sina Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, at Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, mga lokal na opisyal gaya nina Vice Gov. Anacleto Alcala III, SOLCOM chief Lt. Gen. Facundo Palafox IV, at iba pang opisyal ng militar.


“Next year, expect to receive a higher daily subsistence allowance from your government. Mula P150 per day, dodoblehin natin ang daily subsistence allowance ninyo. Ang target natin, maitaas natin ito hanggang P350 per day,” ani Speaker Romualdez.


Gaya ng utos ni Pangulong Marcos, sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagtataas sa subsistence allowance ay mangangailangan ng P15 bilyong pondo na tiniyak ng lider ng Kamara na isasama sa panukalang 2025 national budget.


“Aabutin ng halos P15 bilyon ang kailangan para maibigay ang allowance na ito para sa lahat ng ating sundalo at miyembro ng Armed Forces. Pero bilang inyong Speaker, sisiguruhin ko na mailalagay ang pondong ito sa 2025 National Budget na tinatalakay namin ngayon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos,” sabi pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez na batid nito at ng iba pang lider ng Kamara ang sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya.


“Alam naming lahat ang paghihirap at sakripisyo ninyong lahat, gayundin ng inyong mga pamilya. Hindi man namin masuklian ang lahat ng ito sa ngayon, sisiguruhin ko ang tulong ng gobyerno para mabigyan ng ginhawa ang inyong pamumuhay,” dagdag pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez sa mga sundalo na inaprubahan na rin ng Kamara ang panukala upang matiyak na mayroong pondo ang pensyon system ng mga beterano at mga retiradong sundalo.


“Additionally, we are pushing for measures to provide quality healthcare and legal assistance for personnel in the lawful performance of their duties,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Suportado rin umano ng Kamara ang AFP Modernization Program at ang pagpapa-unlad ng kabuuang defense posture ng bansa.


“We are also exploring resources to further strengthen archipelagic defense and international alliances in the face of modern-day security challenges,” sabi pa nito.


Kasabay nito ay nangako rin si Speaker Romualdez na lalagyan ng pondo ang mga lugar na naideklara ng communist insurgency-free.


“We in the House of Representatives are fully committed to supporting the peace-building efforts in recently cleared areas. To consolidate these gains, I will advocate for more infrastructure and barangay development projects, which are crucial for long-term stability,” saad pa nito.


Hinamon ni Speaker Romualdez ang mga lokal na opisyal, mula sa gubernador hanggang sa kapitan ng barangay, na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan at hindi bumalik ang rebelyon sa kanilang lugar.


“Rest assured, I will explore legislative measures to support this objective and exert efforts to convince our local executives in joining us for a whole-of-government approach in securing peace for our homeland,” wika pa nito.


Sinabi ng lider ng Kamara na kinikilala nito ang paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo sa pagtatanggol ng pambansang soberanya.


“Sa mga okasyong ito, naipapaabot namin - sampu ng mga kapwa nating Pilipino - ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo sa lahat ng inyong mga sakripisyo. Mga sakripisyong ginagawa ninyo para bantayan at seguruhin ang pambansang seguridad at soberenya,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang operational achievement ng SOLCOM sa ilalim ng pamumuno ni Lieutenant General Palafox. 


“Your success in neutralizing communist terrorists, dismantling guerrilla fronts, and capturing firearms from the enemy is a testament to your dedication and bravery. The surrender of NPA regulars, along with hundreds of supporters withdrawing from the CPP, shows that peace is achievable with perseverance and strategic coordination,” sabi pa nito.


Sinabi nito na ang SOLCOM ay hindi lamang sangkot sa paglaban sa paghihimagsik kundi maging sa pagpapatrolya sa mahigit 15,000 nautical mile at pagbabantay sa libu-libong sasakyang pandagat na pumapsok sa hurisdiksyon ng bansa.


“These actions strengthen our resolve in asserting sovereignty over Philippine waters,” giit pa nito.


Nangako si Speaker Romualdez sa SOLCOM na maghahanap ito ng dagdag na pondo upang matapos ang kanilang ipinatatayong imprastraktura gaya ng administrative building at iba pang support facilities.


“Sa madaling salita po, huwag kayong mag-alala. Sagot po namin kayo sa House of Representatives! Sama-sama at buong tapang po nating harapin ang hamon ng pambansang soberenya tungo sa mas maunlad at makabagong Pilipinas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.(END)


—————————-


RPPt Mga gubernador kumasa sa hamon ni Speaker Romualdez na tumulong sa pagsugpo sa kahirapan



Tinanggap ng mga gubernador ng iba’t ibang probinsya ang hamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tulungan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kampanya nito laban sa kahirapan at iba pang problemang kinakaharap ng bansa at kani-kanilang komunidad.


Sinabi ng mga gubernador sa lider ng Kamara de Represengtantes na handa silang tulungan ang administrasyong Marcos upang mapaganda ang kalagayan sa buhay ng kanilang mga constituent.


“Nakahanda kaming tumulong sa patuloy at mas maigting na paglaban sa kahirapan. Getting our people out of poverty should be a shared goal of the national government and local government units,” sabi ni Isabela Gov. Rodito Albano.


“Matagal nang problema ang kahirapan sa mga urban center at sa kanayunan. But the administration of PBBM is making substantial progress in reducing poverty,” sabi pa nito.


Ganito rin ang sinabi ni Quirino Gov. Dax Cua. “We accept the Speaker’s challenge. We should have more meetings to flesh out the details of fighting poverty and other provincial problems, including peace and order.”


Ipinahayag din ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang kahandaan nitong tumulong upang mapa-unlad ang bansa. “Masaya kami na binigyang pansin ni Speaker Romualdez ang problemang ito, at tinatanggap namin ang hamon niya.”


Ibinigay ni Speaker Romualdez ang hamon ng administrasyon sa pakikipagpulong nito sa 27 gubernador noong gabi ng Huwebes.


Noong Linggo, pinulong naman ni Speaker Romualdez ang ikalawang batch ng 17 gubernador kasama sina Albano, Cua, at Mandanas.


Sinabi ni Speaker Romualdez na siya ay masaya sa tugon ng mga lokal na opisyal.


“We can accelerate poverty reduction in our country if the national and local government units work together. Of course, we also need the help of the private sector, huge corporations, and businessmen,” sabi ni Speaker Romualdez.


Iginiit ni Albano ang kahalagahan na mapa-unlad at gawing moderno ang sektor ng agrikultura, kung saan maraming pamilya ang umaasa.


“Aangat ang buhay nila if we improve farming methods and productivity,” sabi nito.


Sinabi naman ni Cua na magiging mahalaga ang irigasyon, makabagong kagamitan, at high-yielding na mga binhi sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.


Ipinunto ni Cua na ang maraming ani ay nangangahulugan ng mas malaking kita para sa mga magsasaka at dagdag na suplay ng bigas para sa bansa.


“If we have more rice supply, prices will surely go down to the benefit of all consumers,” dagdag pa ni Cua.


Dumalo rin sa pagpupulong noong Linggo ng gabi sina Governors Rogelio Roque ng Bukidnon, Erico Aumentado ng Bohol, Henry Oaminal ng Misamis Occidental, Datu Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat, Susan Yap ng Tarlac, Humerlito Dolor ng Occidental Mindoro;


Jose Gambito ng Nueva Vizcaya, Peter Unabia ng Misamis Oriental, Sharee Ann Tan ng Samar, Eduardo Gadiano ng Occidental Mindoro, Joseph Cua ng Catanduanes, Manuel Sagarbarria ng Negros Oriental, Hajiman Hataman Salliman ng Basilan, at Rhodora Cadiao ng Antique. 


Dumalo rin sa pulong sina Special Assistant to President Anton Lagdameo at Palawan Rep. Jose Alvarez.


Sina Lagdameo, Alvarez, Dax Cua, at Joseph Cua ay kasama rin sa unang pagpupulong noong Huwebes.


Dumalo rin sa unang pagpupulong ang 25 gubernador na sina Ben Evardone ng Eastern Samar, Victor Yu ng Zamboanga del Sur, Alexander Pimentel ng Surigao del Sur, Yvonne Cagas ng Davao del Sur, Emmylou Mendoza ng Cotabato, Edwin Ongchuan ng Northern Samar, Ysmael Sali ng Tawi-Tawi; 


Reynaldo Tamayo ng South Cotabato, Ramon Guico III ng Pangasinan, Malou Cayco ng Batanes, Jerry Singson ng Ilocos Sur, Elias Bulut ng Apayao, Enrique Garcia ng Bataan, Jun Ebdane ng Zambales, Melchor Diclas ng Benguet, James Edubba ng Kalinga, Jerry Dalipog ng Ifugao, Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province;


Jose Riano ng Romblon, Ricarte Padilla ng Camarines Norte, Nina Ynares ng Rizal, JC Rahman Nava ng Guimaras, Arthur Defensor Jr. ng Iloilo, Jake Villa ng Siquijor, at Xavier Jesus Romualdo ng Camiguin. (END)


————————-


RPPt Kamara binigyang pagkilala si dating Speaker Jose De Venecia, Jr. para sa natatanging serbisyo sa bayan



Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na nagbibigay pagkilala kay dating Speaker Jose “JDV” C. De Venecia Jr. para sa kanyang natatanging kontribusyon sa bansa.


“Highly accomplished both in the Philippines and abroad, he was awarded numerous decorations and titles from several foreign governments and universities including the Legion of Honor from President Jacques Chirac of France,” saad sa House Resolution No. 1974, na pinagtibay ng kapulungan noong August 28. 


“The Honorable Jose ‘JDV’ De Venecia Jr. dedicated his life to public service, peace-building, and promotion of international cooperation, inspiring leaders, and future generations to pursue excellence in governance and diplomacy,” sabi sa resolusyon.


“Now, therefore, be it resolved by the House of Representatives, to commend the Honorable Jose C. De Venecia Jr., former Speaker of the House of Representatives, for his distinguished service and significant contributions to the country,” sabi pa sa HR 1974.


Si De Venecia, na kilala sa palayaw na "JDV" sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at katrabaho, ay naging kinatawan ng ika-apat na distrito ng Pangasinan sa loob ng pitong taon at ang natatanging miyembro ng Kamara na nagsilbi bilang House Speaker sa loob ng limang taon, partikular noong 9th hanggang 10th, at 12th hanggang 14th Congresses.  


“As the Speaker of the House of Representatives, he exemplified outstanding leadership and diplomacy by according each Member of the House of Representatives equal respect and treatment regardless of affiliation,” nakasaad sa resolusyon.


“…Honorable De Venecia was the architect of numerous unification measures in the House of Representatives including the ‘Rainbow Coalition’, which united the country and paved the way for the smooth passage of more than two hundred economic, political, and social reform laws during the administration of President Fidel V. Ramos,” sabi pa dito.


Isa si De Venecia sa mga nagtatag at nagsilbing  secretary general, president, chairman at chairman emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) political party, na nagsilbing dominanteng partido sa Kamara sa loob ng halos 15 taon.


Iniakda nina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at Representatives Aurelio D. Gonzales Jr., Manuel Jose M. Dalipe, Yedda Marie K. Romualdez, Jude A. Acidre, at Marcelino C. Libanan ang resolusyon.


Isang kahalintulad na resolusyon ang pinagtibay na ng Senado na kumikilala sa makulay noyang karera at hindi matatawarang ambag sa bayan. (END)


—————————-


RPPt Kamara kinilala 10 Outstanding Filipino awardees ng Metrobank Foundation



Sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, binigyang pagpupugay ng Kamara de Representantes ang mga awardee ng 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos, na nakapagbigay ng natatanging kontribusyon sa kani-kanilang larangan.


“In deep appreciation of their commitment and remarkable distinctions as outstanding public servants, it is but fitting and proper for the House of Representatives to honor and commend the 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos for making a noteworthy difference in the lives of many Filipinos,” ayon sa House Resolution No. 1962 na pinagtibay ng Kamara noong nakaraang Miyerkules, Agosto 28.


Sa kanyang mensahe sa mga awardee noong Lunes ng hapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga nagwagi sa kanilang walang pag-iimbot na paglilingkod, pagsisikap, at mga ambag sa lipunan.  Itinataas umano ng mga ito ang pamantayan sa paglilingkot sa bayan.


“Your actions remind us that true service is about making a difference, regardless of recognition or reward. You show us what it means to serve with purpose and dedication, qualities we in government must always embody,” ayon sa pinuno ng Kamara na may higit sa 300-kinatawan. 


“May your examples inspire not just us here today, but all public servants across the country. Together, let us continue to work toward building a nation that values hard work, compassion, and selfless service,” saad pa nito.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang Metrobank Foundation para sa kanilang patuloy na pagsuporta at pagkilala sa mga indibidwal na nagtataglay ng kahusayan at nagbibigay ng natatanging serbisyo sa kanilang mga larangan.  Sinabi nito na sa kabila ng mga kinakaharap na hamon, pinili ng Metrobank na bigyang-diin ang kahusayan at dedikasyon ng mga Filipino na nagpapataas ng dangal ng ating bansa.


Sa temang “Beyond Excellence,” kinilala ang 10 natatanging Pilipinong lingkod-bayan dahil sa kanilang ipinakitang positibong pagtugon sa mga umiiral at bagong tungkulin, matatag na pamumuno, at may integridad. Ang kanilang mga nagawa ay nagbigay ng mahalagang epekto sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.


Binanggit ng HR 1962 na ang mga pinarangalang guro ngayong taon ay nagpakita ng husay sa pagtuturo, nagpakilala ng mga makabagong pamamaraan sa edukasyon, at pinalakas ang epekto ng kanilang pananaliksik at serbisyo sa komunidad.


Sa kabilang banda, binanggit ng resolusyon na ang mga sundalo at pulis na pinarangalan ay kinilala dahil sa kanilang matatag na pamumuno, tapang, at disiplina, na nagresulta sa mahalagang ambag sa seguridad ng bansa, mga makataong pagtulong, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa. 


Kasama sa mga pinarangalan ang apat na guro, tatlong sundalo, at tatlong pulis. 


Ang mga guro na pinarangalan ay sina Ma. Ella F. Fabella (Master Teacher II, Maasin Learning Center, Zamboanga City), Franco Rino C. Apoyon (Head Teacher II, Kabasalan National High School, Kabasalan, Zamboanga Sibugay), Decibel V. Faustino-Eslava, Ph.D. (Professor 9, University of the Philippines, Los Baños, Laguna), at Maria Regina M. Hechanova-Alampay, Ph.D. (Professor, Ateneo de Manila University, Quezon City).


Ang mga sundalong pinarangalan ay sina Captain Salvador M. Sambalilo PN (GSC) (Assistant Chief of Fleet Staff, Fleet Staff for Weapons, Communications, Electronics, and Information System, Philippine Navy Subic, Zambales), Major Ron JR T. Villarosa (INF) PA (Chief of the Civil Affairs Division, Civil-Military Operations Research Center, Civil Military Operations Regiment Philippine Army, Taguig City), at Staff Sergeant Michael S. Rayanon PN(M) (Public Affairs Non-Commissioned Officer, Marine Battalion Landing Team 3, Philippine Navy San Vicente, Palawan). 


Habang ang mga kinilalang pulis ay sina Police Lieutenant Colonel Bryan G. Bernardino (Chief of Police, Tacurong City Police Station, Sultan Kudarat Police Provincial Office), Police Major Mark Ronan B. Balmaceda (Deputy Force Commander, Regional Mobile Force Battalion, Taguig City), at Police Staff Sergeant Llena Sol-Josefa M. Jovita (Monitoring and Evaluation Police Non-Commissioned Officer, City Police Strategy Management Unit, Cagayan de Oro City Police).


Mula noong 1985, ay umabot na sa 715 na natatanging lingkod-bayan ang binigyang pagkilala ng Metrobank Foundation, na binubuo ng 384 guro, 172 sundalo, at 159 pulis. (END)



—————————-


RPPt Tingog Partylist, Speaker Romualdez matagumpay na natapos relief operation para sa mga nasalanta ng bagyong Enteng



Naging matagumpay ang isinagawang relief operation ng Tingog Partylist, sa pangunguna nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre, katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa mga nasalanta ng bagyong Enteng.


Sumentro ang relief operation sa lalawigan ng Rizal at Zambales na napuruhan sa pananalasa ng bagyo.


Sa Zambales, nakipagtulungan ang Tingog at Office of the Speaker kay 2nd District Representative Bing Maniquiz sa paghahatid ng relief packs sa limang bayan. Kasama sa ipinamigay na aid package ang relief pack ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dagdag na grocery items at P500 na transportation allowance bawat pamilya.


Umabot sa kabuuang 10,374 pamilya na binubuo ng 51,783 indibidwal ang nahatiran ng tulong sa relief operations.


Ipinaabot naman ni Rep. Yedda Romualdez ang pasasalamat nito sa mga volunteer, mga lokal na lider at iba’t ibang organisasyon na nagsama-sama upang maging matagumpay ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo.


"The spirit of cooperation and compassion has shone brightly through these challenging times,” ano Rep. Yedda. "Our collective effort has truly made a difference in the lives of those affected."


Kinilala naman ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng pagkakaisa at pagsasama-sama sa pagtulong sa mga nasalanta.


“The success of this relief operation is a testament to what we can achieve when we unite for a common cause. Our work does not end here; we remain committed to supporting these communities in their recovery and rebuilding efforts,” ani Speaker Romualdez.


Nangako naman ang  Tingog Partylist at si Speaker Romualdez na gagawa ng mga hakbang upang mulinhg matulungan ang mga nasalanta at maging mabilis ang kanilang pagbangon. (END)


——————————


RPPt Speaker natuwa sa pagbaba ng presyo ng bigas, makakabili na ng P42 kada kilo



Natuwa si Speaker Martin G. Romualdez sa malaking pagbaba sa presyo ng bigas matapos makumpirma na may makabibili na ang bigas sa halagang P42 kada kilo sa tatlong pamilihan na binisita nito ngayong Miyekules ng umaga.


Pumunta si Speaker Romualdez sa Guadalupe Market sa Makati, Farmers’ Market at Nepa Q-Mart sa Quezon City, sa imbitasyon na rin ng Philippine Rice Industry Stakeholders' Movement (PRISM), isang organisasyon ng rice traders at mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture. 


Ang pagbaba sa presyo ng bigas, ayon kay Speaker Romualdez ay patunay na epektibo ang mga hakbang ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mapababa ang ng batayang bilihin at magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain upang maprotektahan ang mga mamimili sa biglang taas presyo ng mga ito.


“Nakita natin may 45 pesos kada kilo, meron ding 42 pesos for broken rice, yung well-milled P45. At yun talaga ang gusto nating makita, na pababa ng pababa (ang presyo ng bigas),” ani Speaker Romualdez.


“On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” dagdag pa ng lider ng higit 300 mambabatas ng Kamara.


Umaasa naman si Speaker Romualdez na magpapatuloy ang pagbaba sa presyo upang mabawasan ang mga alalahanin ng mga pamilyang Pilipino lalo na ngayong papalapit na Kapaskuhan.


“Yung nakita po namin dito na factor, yung pagbaba po ng taripa from 35 percent to 15 percent. So natutuwa po yung mga retailers natin saka yung mga consumers natin,” saad ni Orly Manuntag ng PRISM, na tinukoy ang  Executive Order No. 62 na nilagdaan ng Pangulong Marcos noong Hunyo 20 June 20, na nagbaba sa taripa ng inaangkat na bigas.


Kasama sa pag-iikot sina Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kasama nito sa ACT-CIS Partylist na si Rep. Edvic Yap, at Agriculture Committee Chair and Quezon  1st District Rep. Mark Enverga. 


Nakasama rin nila sina DTI Price Control Asec. Agaton Uvero, DA Agribusiness and Marketing Assistance Services Asec. Bebang Guevarra, at DTI representatives Dir. Fhillip Sawali, Div. Chief Rosita Jaleco at Asst. Div. Chief Joel Buag.


Maliban naman sa aksyon ng Pangulong Marcos sa taripa ng bigas, kinilala din ni Speaker Romualdez ang mga inisyatiba ng Kamara gaya ng pakikipag-ugnayan sa mga rice trader na nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas.


“Together with PRISM and other stakeholders, we have been actively working to stop rice hoarding and price manipulation. I would like to commend the rice traders who have responded to our call to make rice affordable and available for everyone,” sabi ng House Speaker.


Matatandaan na pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan upang malabanan ang hoarding o sadyang pagtatago ng suplay upang tumaas ang presyo. Ang kanilang pag-iikot ay nakatulong para maisiwalat ang mga mapagsamantalang trader at tuluyan nang mailabas sa merkado ang mga nakaimbak na suplay ng bigas.


“The Marcos administration is committed to implementing long-term solutions, such as increasing domestic rice production, improving import regulations, and penalizing those involved in illegal trade practices,” wika ni Speaker Romualdez.


“President Ferdinand Marcos Jr. has made it clear that food security is a top priority for his administration. This is not just about lowering prices temporarily, but about ensuring a sustainable supply chain that benefits both consumers and farmers,” sabi pa niya.


Sinabi naman ni DA Asec. Guevarra ang mga programa ng ahensya para sa dagdag na farm imput ay inaasahang magpapalakas sa ani ng lokal na bigas sa susunod na taon na lalo pang magpapababa sa presyo ng bigas.


Nanawagan naman si Speaker Romualdez sa mga lokal na pamahalaan at private stakeholders na suportahan ang mga insiyatiba para bumaba ang presyo ng bilihin dahil bawat isa ay may papel na gagampanan para sa mapatatag ang merkado.


"As we continue to work towards this goal, we ask for the cooperation of all stakeholders. This is a whole-of-nation approach, and together, we will make sure that no Filipino family goes hungry," aniya.


“This price reduction is just the beginning. We will not stop until rice is affordable to every Filipino family. We remain committed to improving the livelihoods of our farmers while ensuring that consumers are not overburdened by high prices,” saad pa ng lider ng Kamara. (END)


——————————-


Ver Nangako si House Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes na sisikapin ng Kamara de Representantes na matulungan si President Ferdinand Marcos Jr. na mapanatiling mababa ang presyo ng pagkain.


Sinabi it oni Romualdez bilang reaksiyon sa pahayag ng Pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang mapanatiling mababa ang presyo ng food products.


Sinabi ito ng Pangulo matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation sa 3.3 porsiyento noong Agosto, nabawasan ng 1.1% mula sa 4.4% noong Hulyo.


#PilipinasToday

#MartinRomualdez

#Duterte


——————————-


Speaker Romualdez nakalikom ng P25M pondo para sa mga nasunugan sa Cavite




Nakalikom si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng P25 milyong pondo para sa mahigit 1,000 pamilya na nasunugan sa Bacoor, Cavite kamakailan.




Ang pondo ay mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).




Ayon kay Speaker Romualdez, ang pondo ay gagamitin para makapagtayo ng pansamantalang matitirahan at medikal na tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.




"This devastating fire has caused significant damage to many communities in Cavite. In partnership with the DSWD's AKAP program, we are mobilizing a P25-million fund to provide urgent relief and help families get back on their feet," ani Speaker Romualdez.




Ang AKAP program ay naglalayon na magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, medikal na tulong, at pansamantalang tirahan, partikular sa mga biktima ng sunog.




Sinabi pa ni Speaker Romualdez na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang pambansang ahensya, tulad ng National Housing Authority (NHA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak na maayos na maiparating sa mga biktima ang tulong.




Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang DSWD sa mabilis na aksyon sa pagpapalabas ng pondo at hinikayat ang pribadong sektor na makikilahok sa pagbibigay ng tulong para sa muling pagbangon ng naapektuhang komunidad.




"This is a collective effort. While the government is taking urgent steps to provide immediate assistance, we also call on private organizations and concerned individuals to join in helping the people of Cavite recover from this tragedy," saad pa nito. 




"Ensuring the well-being of our fellow Filipinos is our utmost priority. This incident is a reminder that we need to strengthen our disaster management systems and promote preventive measures to protect communities from future calamities," ayon kay Speaker Romualdez.




Ang P25-milyong pondo ay kasalukuyang ipinamamahagi sa pamamagitan ng AKAP program ng DSWD, habang ang mga lokal na opisyal ay tumutulong sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya. 




Kasabay nito, nagsasagawa ng pagsusuri sa lugar, upang magbigay ng agarang tulong at pangmatagalang suporta sa mga biktima ng sunog. (END)


—————————-


Aktor na si Roi Vinzon, mga opisyal ng Masbate, Lanao del Norte, Laguna lumipat sa Lakas-CMD






Sumali na sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang aktor na si Roy Vinzon kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Masbate, Lanao del Norte, at Laguna noong Miyerkoles ng hapon.




Nakasama ng aktor at film director ni Mark Angelo David Vinzon o mas kilala bilang Roi Vinzon, na mula sa unang distrito ng Benguet, sa panunumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD si Masbate Governor Antonio Kho, ang 12 miyembro ng  provincial board at 19 na municipal mayors ng lalawigan. 




Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang panunumpa ng mga bagong miyembro sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Romualdez Hall ng House of Representatives. 




Nanumpa rin sina dating Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo at ang 14 na alkalde ng probinsya.




“We welcome all of you to Lakas-CMD. We look forward to working with you to achieve our common aspiration of meaningful and inclusive progress for our country in line with the vision of President Ferdinand R. Marcos, Jr. under ‘Bagong Pilipinas’,” ani Speaker Romualdez. 




“Your decision to join our party manifests our shared commitment to serving the Filipino people with integrity, dedication, and unity,” dagdag pa niya.




Kasama ni Gov. Kho na nanumpa sina board members Sotero Cantela, Alfredo Alim, Rey Noel Amante, Kris Espinosa, Teddy Danao, George Gonzales, Allan Lepasana, Rudy Alvarez, Nilda Tinegra, Laurian Sia, Hannah Gonzales, at Eric Castillo.




Kasabay din nila ang mga alkalde ng iba’t ibang munisipalidad ng probinsya na sina Fernando Talisic, (Esperanza), Mark Antonio (Pio V. Corpus), Eusebio Dumoran Jr. (Placer), Edgar Condor (Cawayan), Felipe Cabatana (Cataingan), Roscelle Eramiz (Palanas), Michael Demph Naga (Dimasalang), Felipe Sanchez (Uson), Raymundo Salvacion (Mobo), Natividad Magbalon (Milagros), Marites Dela Rosa (Baleno), Arturo Virtucio (Aroroy), Kristine Hao-Kho (Mandaon), Rodolfo Estrella (Balud), Zacarina Lazaro (San Pascual), Froilan Andueza (Claveria), Glenda Villa Hermosa (Monreal), Francisco Altarejos (San Jacinto), at Byron Bravo (San Fernando)




Ang mga bagong miyembro naman mula sa Masbate ay sina Marco Cam, Ansbert Son, dating Governor Vincent Homer Revil, at Councilor Arturo Virtucio II, ng Aroroy, Masbate.




Sinamahan naman si dating Rep. Dimaporo sa panunumpa ng 14 na alkalde ng  Lanao Del Norte, na sina Maminta “Mighty” S. Dimakuta (Tagoloan), Ali Hanifa Palao (Balo-i), Randy J. Macapil (Linamon), Jaber M. Azis (Matungao), Judith V. Miquiabas (Bacolod), Motalib M. Dimaporo (Sultan Naga Dimaporo), Angel L. Yap (Lala), Racma D. Andamama (Munai), Haron Omar Sr. (Magsaysay), Muslima T. Macol (Poona Piagapo), Paruk Asis (Sapad), Barry Y. Baguio (Kapatagan), Marcos M. Mamay (Nunungan) at Sittie-Aisah M. Tomawis-Adiong (Tangcal).




Mayroon ding 33 lokal na opisyal at aspirants sa iba’t ibang lokal na posisyon mula sa iba pang lalawigan sa bansa ang nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD.




Kabilang dito sina: Ronald James DV. Hidalgo and Ariel Valera Fornoles (Pakil), Dario Albarico Lapada Jr. at Maximo Bucal Sottomayor (Magdalena); Jonieces R. Acaylar (Luisiana), Jeromme D. Lacbay and Ma. Roma R. Tablico (Lumban), Carla Valderrama at Joseph Masacupan (Siniloan), Charles Clifford F. at Jimmy Jose V. Oliveros (Cavinti), Ian Nora Kalaw (Los Banos), Angelito Valderrama (Mabitac), Mayor Jose Ortiz Padrid at Mun. Administrator Joanna Patricia Padrid (Bay), at Mayor Cesar Valbuena Areza (Pagsanjan). 




Kasabay nila ang mga lokal na opisyal ng Nagcarlan na sina Vice Mayor Rexon Virtudez Arevalo at Councilors Laurence Monton Sombilla, Christmas Bugia Osuna and Lauro Halig Dizon, at board members na sina Princess Diane R. Lajara at Edwin A. Olivarez, Jr.




Mayroon ding mga bagong miyembro na nanumpa mula sa Cabuyao City, ito ay sina dating Mayor Rommel A. Gecolea, Michael O. Aranzanso, Amelito G. Alimagno, Maria Alexis Alimagno, Jan Christian Entredicho, Alberto D. Madrigal, Jonnifer A. Mendoza, William G. Sigua, Raul S. Ramos, Criselle G. Baun at Solomon Bernardo Padiz.  (END)


——————————


RPPt Wish ni Speaker Romualdez kay PBBM: Higit pang tagumpay, mabuting kalusugan, at lakas upang isulong ang Pilipinas



Dasal ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na tagumpay, mahusay na kalusugan, at lakas upang patuloy na maisulong ang bansa tungo sa higit pang kaunlaran para sa kanyang pinsan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw.


“On behalf of the House of Representatives, I wish you continued success, good health, and the strength to keep moving our beloved nation forward. May this year bring even more outstanding achievements and fulfillment,” ani Speaker Romualdez. 


Tiniyak din ni Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 kinatawan at pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang suporta ng Kamara de Representantes sa kanya para sa isang Bagong Pilipinas.


“We stand firmly with you as we work toward the shared goal of uplifting the lives of our countrymen and securing a brighter future for all,” ayon pa kay Speaker Romualdez, bilang pagtiyak ng buong suporta ng Kamara sa mga batas at polisiya na ipapatupad ng administrasyon sa mga darating na taon.


“The leadership you provide continues to inspire us, and we are honored to walk this meaningful journey alongside you. Your steadfast dedication to the Filipino people shines through in every action you take,” ayon pa sa mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Leyte. 


Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang kasiyahan at pagmamalaki sa kung paano umunlad ang karera sa politika ni Pangulong Marcos. “Having had the privilege of witnessing your journey over the years, I am filled with pride as I see your unwavering commitment to leading our nation toward unity and progress.”  

 

“On this special day, I extend my warmest greetings and deepest appreciation for the remarkable leader and individual you have become. Happiest birthday, Mr. President!” ayon pa sa pinuno ng Kamara. (END)


——————————


RPPt 2025 budget target aprubahan ng Kamara sa Setyembre 25— Quimbo



Inaasahang pagtitibayin ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P6.352-trilyong national budget para sa 2025 bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Setyembre 25.


Ito ay ayon kay Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 


Una na ring inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagtiyak na maaprubahan ang badyet bago ang unang recess ng ikatlong at huling regular na sesyon ng 19th Congress.


Tiniyak ng pinuno ng Kamara na ang panukalang badyet ay susuporta sa mga programa at proyekto na nakalinya sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.


Sa panayam noong Huwebes, sinabi ni Quimbo na magsisimula ang pagtalakay ng plenaryo sa panukalang badyet sa Lunes at unang sasalang ang general principles o pinagbatayan sa pagbuo ng panukalang pondo.


Ayon kay Quimbo, magdaraos ang Kamara ng mga marathon sessions na magsisimula ng alas-10 ng umaga.


“Confident tayo na matatapos sa September 25 and yes marathon. Araw-araw mag-uumpisa na tayo [ng 10 AM] tuloy-tuloy ‘yan hanggat hindi natin matapos ang naka-schedule na agencies for that day,” saad pa ni Quimbo.


“Ang ma-expect natin would be debates but this time hindi magsasalita mismo ang mga ahensya. So ang pwede lang talaga magsalita would be the congressman and congresswomen (sponsoring the agency budget). So, debate po siya between members of the House,” dagdag pa nito.


Idinagdag pa ni Quimbo na makatutulong din ang mga opisyal ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa mga mambabatas na magtatanggol ng kanilang panukalang pondo sa pamamagitan ng pagbibigay diin ng kahalagahan ng mga programa at proyekto.


Nauna rito ay inihayag ni Quimbo na nagdesisyon ang House Appropriations Committee na bawasan ng P1.3 bilyon ang hinihinging P2.037 bilyon ng Office of the Vice President (OVP) o gawin na lamang P733 milyon. 


Ang kinaltas na pondo ay ililipat sa mga ahensya ng gobyerno na mas epektibong nakakapagpatupad ng mga programa na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangang Pilipino. (END)


—————————-


House panel tinapyasan ng P1.3B pondo ng OVP sa 2025


Binawasan ng Committee on Appropriations ng Kamara de Representantes na bawasan ng mahigit kalahati ang hinihinging pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte para sa susunod na taon. 


Ang pangunahing dahilan, ayon sa komite ay ang pagkakapareho ng mga programa na nais na ipatupad ng OVP sa mga programa ng mga ahensya ng gobyerno at ang puna ng mga kongresista na masyado itong maraming satellite at extension offices na hindi naman kailangan. 


Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng komite, na nagpasya ang panel na irekomenda ang pagbabawas ng halos P1.3 bilyon mula sa panukalang P2.037 bilyon, o gawin na lamang P733 milyon ang pondo nito sa 2025.


Ayon sa kanya, kabilang sa mga ibinawas na pondo ang mga alokasyon sa financial assistance programs, professional services, na tumutukoy sa mga consultant, utilities, supplies and materials, at rentals/leases.


Paglilinaw naman ni Quimbo hindi ginalaw ang pondo para sa "personal services," o ang pondo para sa sahod ng mga empleyado.


“We are not touching that, we are preserving jobs in the OVP,” ayon sa mambabatas.  


Paliwanag ni Quimbo ang buong pondo para sa financial assistance (FA) ng OVP na nagkakahalaga ng P947 milyon ay ililipat sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa medical assistance program ng Department of Health (DOH). Ang dalawang ahensya ay makatatanggap ng tinatayang P646 milyon.


Dagdag pa ni Quimbo, ang budget sa FA ay ang pinagmumulan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong sa mga gastusin sa libing, medikal, transportasyon, at iba pang katulad na pangangailangan.


Binibigyang-diin niya na ang OVP at ang mga benepisyaryo ng mga programang ito ay maaari pa ring makuha ang kaparehong tulong sa DSWD at DOH.


Base rin aniya sa report ng Commission on Audit (CoA), “di nagamit ng mabuti ang pondo at may redundancy ang mga programa, maraming problema sa implementation.” 


“Ilipat na lang ang funds sa DSWD at DOH and we will ensure na meron syang sapat na allocation doon hanggang doon sa kayang ma-implement ng opisina nila,” ayon pa kay Quimbo. 


“Nakita at dama din naman din natin na subok na ang DSWD at DOH sa mga programang ito kaya kung ito ay makakatulong lalo na mas mapalawak ang pag-aabot ng tulong sa recipients, bagay na hindi naging klaro sa mga programa dati sa OVP base sa COA report,” dagdag pa ng lady solon. 


Sinabi pa ni Quimbo, na maraming kongresista ang mayroong mga tanong kaugnay ng 10 satellite offices at dalawang extension offices ng OVP.


“We want them to return to the spending level in 2022, when the OVP maintained just one office,” saad pa nito.  


Ang hinihinging P80 milyon ng OVP para sa renta ng mga opisina nito ay ibinaba umano ng komite sa P32 milyon.


Paliwanag pa niya, ang mga pagbabawas ay “mga rekomendasyon lamang ng committee on  appropriations” na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at nakasalalay pa rin sa pag-apruba ng House of Representatives kapag magsimula ang plenary debates sa panukalang 2025 national budget sa Setyembre 16.


Paglilinaw pa niya, ang panukalang badyet ay mahaba at masusing proseso bago ito maaprubahan.


“Magkakaroon pa ng isa pang round ng amendments ng budget amounts (sa plenary), at ito yung magiging recommendation namin ng  (House) to the Senate. Matapos ang senate approval, meron pang bicameral (committee) approval. Babalik ulit sa (House) at Senate for ratification. And then for President's approval,” ayon pa kay Quimbo.


Idinagdag niya na ang Pangulo ay may kapangyarihang gamitin ang line-veto o tanggihan ang mga bahagi ng panukalang alokasyon ng pondo.


“So kitang kita po natin na napakahaba ng proseso at napakaraming tao na involved sa budget approval,” pagdidiin pa nito. 


Gayundin ay nasa mga ahensya na ang desisyon kung paano nila gagamitin ang mga pondo na inilalaan sa kanila ng Kongreso at ng Pangulo.


“Budget execution is entirely by the executive (branch),” saad nito. (END)

Free Counters
Free Counters