Saturday, August 03, 2024

 AllanG SISIMULAN NG HIMAYIN NG KAMARA SA LUNES ANG 6.352 TRILLION PESOS NA 2025 PROPOSED NATIONAL BUDGET. 


AYON KAY HOUSE MAJORITY LEADER JOSE MANUEL DALIPE, IPAPATAWAG NA NILA ANG DEVELOPMENT BUDGET COORDINATING COUNCIL O DBCC SA SUSUNOD NA LINGGO. 


ANG DBCC AY PINAMUMUNUAN NG DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT, KATUWANG ANG DEPARTMENT OF FINANCE, NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY, AT IBA PANG AHENSYA NA KASAMA SA PAGLIKHA NG PONDO. 


MALINAW ANIYA ANG KAUTUSAN NI HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ KAY HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN ZALDY CO NA HUWAG NG IDELAY ANG PATALAKAY SA BUDGET. 


BUBUSISIIN UMANO NILANG MABUTI ANG PANUKLANG BUDGET LALO PAT MISMONG ANG PANGULONG BONGBONG MARCOS NA ANG NAGSABI NA DAPAT TIGNAN AT USISAING MABUTI NG MGA MAMBABATAS ANG BUDGET. 


INIHAYAG NI DALIPE NA TITIYAKIN NG KAMARA NA MAYROONG SAPAT NA PONDO ANG GOBYERNO PARA SA JOB CREATION, SOCIAL SERVICES AT HEALTH CARE.


TARGET NG KAMARA NA PAGTIBAYIN ANG HOUSE VERSION NG NATIONAL BUDGET SA SEPTEMBER O OCTOBER BAGO ANG RECESS NG SESYON NG KAMARA.

Free Counters
Free Counters